Diocese of Tandag, umaasang makabalik na sa kanilang ancestral land ang mga Lumad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,402 total views

Ikinagalak ng Diocese of Tandag ang pagbibigay pansin ni President Rodrigo Roa Duterte sa kasalukuyang sitwasyon ng mga katutubong Lumad.

Ayon kay Diocese of Tandag Social Action Director Fr. Antonio Galela, matagal ng suliranin ang kalbaryo ng mga nagsilikas na mga Lumad sa Mindanao.

Umaasa ang pari na tuluyan ng makabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga nagsilikas na Lumad dahil sa karahasan at militarisasyon.

Inamin ni Father Galela na ang pagmimina ang isa sa mga dahilan kaya’t napaalis ang mga Lumad sa kanilang lupang tinitirhan at umaasa ito na dahil sa aksyon na ginagawa ngayon ng pamahalaan partikular na ng DENR ay mabibigyan na ito ng solusyon.

“Yun ang problema talaga sa amin yung mga lumad hanggang ngayon nandun pa din sila sa evacuation center hindi pa din sila makabalik sa kanilang bahay at saka were just hoping na meron talagang mangyari lalo na yung sa binabanggit niya na mining activity,”pahayag ni Fr. Galela sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunitang umabot sa may 3 libong mga katutubong Lumad ang nagsilikas sa Tandag Sports Complex matapos ang serye ng karahasan sa kanilang mga kasamahan.

Inihayag ni Fr. Galela na bukas ang Simbahan sa pakikipagtulungan sa pamahalaan upang mabigyan ng katarungan at makabalik na ang mga Lumad sa kanilang mga lupang tirahan.

Magugunitang ang Diocese of Tandag ang isa mga tumulong upang mabigyan ng sapat na pagkain ang mga nagsilikas na Lumad matapos na magpadala ang Archdiocese of Manila ng P400 libong piso na tulong para sa mga katutubo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 102,034 total views

 102,034 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 125,193 total views

 125,193 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 146,467 total views

 146,467 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 308,438 total views

 308,438 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 72,673 total views

 72,673 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top