Mataas na paggaling sa COVID-19, naitala sa araw ng Consecration ng Pilipinas kay Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,921 total reads

May 15, 2020, 10:34AM

Kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima at Pagtatalaga ng Pilipinas sa Kalinis-linisang Puso ni Maria noong ika-13 ng Mayo 2020, naitala ang mataas na bilang ng paggaling mula sa COVID-19 sa bansa.

Sa datos ng Department of Health (DOH), 145 katao na positibo sa COVID-19 ang gumaling mula sa nakamamatay na sakit.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Rev. Fr. “Jigs” Garcia, ang Team Ministry Moderator ng Parish of the National Shrine of Our Lady of Fatima, ikinagalak nito ang bilang ng gumaling sa COVID-19 noong ika-13 ng Mayo.

Sinabi ng Pari na isang paalala ito sa mga mananampalataya na mayroong bunga ang ating sama-samang pagdarasal at mga sakripisyo.

“Mahalagang paalala ito na hindi natutulog ang Diyos at ang Mahal na Birhen ay kasama natin. Hindi suntok sa buwan ang mga panalangin natin sa paglalakbay at hindi tayo iniiwanan, may pahiwatig Siya na ito, kasama niyo Ako at hindi Ko kayo iiwanan.” Pahayag ni Fr. Garcia sa Radio Veritas.

Nagpasalamat rin ang pari sa mga mananampalataya na nakiisa at nakisabay sa pagdarasal at pagtatalaga sa Kalinis-linisang Puso ni Maria.

Matatandaan na sa unang pagpakita ng Mahal na Birhen sa Fatima, Portugal noong 1917, hiniling nito sa tatlong bata na sina Lucia, Francisco, at Jacinta na mag-alay ng kanilang sarili para sa kaligtasan ng mga makasalanan.

Ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa ika-isang daan at tatlong anibersaryo ng pagpapakita ng Mahal na Birhen sa Fatima ay pinangunahan ni Diocese of Malolos Bishop Dennis C. Villarojo.

Kasunod nito ang Simultenous Praying of the Holy Rosary at National Consecration to the Immaculate Heart of Mary na may temang “We pray as one. We heal as one. We renew the world as one.” na pinangunahan ng mga Arsobispo at Obispo Simbahang Katolika nitong ika-13 ng Mayo sa Parish of the National Shrine sa Valenzuela City.

Sa kanyang homilya naman, ipinaalala ni Bishop Villarojo ang turo ng Mahal na Birhen ng Fatima hindi maaring gumawa ng kasamaan para lang makamit ang isang kabutihan.

Dagdag pa ng Obispo, ang hindi natin pagkilos at pagsasalita para sa kapakanan ng ibang tao sa kabila ng kasamaan at karahasan na nararanasan natin ay isang kasalanan ng paglimot sa utos ng Panginoon at ng Mahal na Birhen ng Fatima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 115,411 total reads

 115,411 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 253,161 total reads

 253,161 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 368,936 total reads

 368,936 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 484,748 total reads

 484,748 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 374,551 total reads

 374,551 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 480,634 total reads

 480,634 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top