Quarantunes single, inilunsad ng JMM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 581 total reads

May 15, 2020, 10:11AM

Patuloy ang Jesuit community sa paggawa ng mga hakbang na matugunan ang pangangailangan ng mamamayan na kasalukuyang nanatili sa mga tahanan dulot ng ipinapatupad na modified enhanced community quarantine sa National Capital Region.

Bukod sa pamamahagi ng pagkain sa pangunguna ng Tanging Yaman Foundation pinalawak ng komunidad ang pagpapalago hindi lamang sa pampisikal kundi maging sa pang-espiritwal na aspekto ng tao sa tulong ng musika.

Dahil dito ilulunsad ng Jesuit Music Ministry (JMM) ang ‘Quarantunes’ single at music video ng classic song Pananagutan upang magpapalakas at magpapatatag sa kalooban ng mga mamamayan na pinanghihinaan dahil sa pandemya.

Ang Pananagutan na isinulat ni Rev. Fr. Eduardo Hontiveros, SJ ang tinaguriang ‘Father of Filipino Liturgical Music’ ay ang pinakabagong awitin na itinampok ng JMM sa gitna ng krisis bunsod ng COVID 19.

Layunin ng awitin na magbigay pag-asa at kapayapaan sa mamamayan sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng buong daigdig.

Kamakailan lamang ay nag-alay ng panalangin ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga naglilingkod sa larangan ng sining na nakatutulong upang higit na mapalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon lalo na sa kabataan.

Umaasa ang JMM community na sa tulong ng ‘Quarantunes’ ay muling mapag-alab ang puso tungo sa mas matatag na pananampalataya sa Diyos na mapagtagumpayan ang kasalukuyang krisis na kinakaharap ng buong mundo.

Kabilang sa mga koro na bahagi ng ‘Quarantunes’ ang Ateneo Chamber Singers, Bukas Palad Music Ministry, Hangad, Himig Heswita, Koro Ilustrado, Musica Chiesa, Pansol Choir, at ang Tinig – Barangka.

Ang naturang awitin ay mapakikinggan at mapapanood sa iba’t ibang digital music platforms tulad ng Spotify, Apple Music, Deezer, JesCom Facebook page at Youtube channel.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 62,235 total reads

 62,235 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 141,183 total reads

 141,183 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 174,628 total reads

 174,628 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,926 total reads

 209,926 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 433,947 total reads

 433,947 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top