Thanks, but no thanks!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 724 total views

May 17, 2020, 9:37AM

Kinilala ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang desisyon ng pamahalaan na payagan ang mga religious gatherings sa mga lugar na isinailalim sa modified enhanced community quarantine at general community quarantine.

Subalit dismayado ang obispo sa kawalang sapat na konsultasyon ng Inter Agency Tasks Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) kaugnay sa gawaing pangsimbahan.

Batay sa Section 2 No. 9 ng guidelines na inilabas ng I-A-T-F sa lugar na umiiral ang MECQ tulad ng National Capital Region, pinapayagan ang pagsasagawa ng mga gawaing simbahan ngunit limitado lamang sa limang katao.

“Welcome in a sense na pinapayagan na [religious gatherings] but unwelcoming na ang kanilang limitasyon ay impractical,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Pinuna ni Bishop Pabillo ang desisyon lalo’t sa mga tanggapan at iba pang institusyon ay pinapayagan ng pamahalaan ang halos kalahati sa kanilang work force tulad ng mga pabrika ngunit ang mga simbahan na malalawak ang lugar ay nililimitahan sa lima at sampung katao lamang.

Aniya, hindi praktikal at hindi makatotohanan ang bilang na iminungkahi ng I-A-T-F kayat dapat nila itong suriin at irekonsidera.
“Gumagawa sila ng desisyon na hindi kinokonsulta ang people at sector concerned,” ani ni Bishop Pabillo.

Magugunitang nagsumite ang arkidiyosesis ng panuntunan sa I-A-T-F sa pamamagitan ng Department of Health dalawang linggo ang nakalipas ngunit walang natanggap na feedback.

Dagdag ni Bishop Pabillo mas magandang magbigay ang I-A-T-F ng alituntunin tulad ng pagpapatupad ng isa o dalawang metrong pagitan ng mga magsisimba sa loob ng simbahan.

Ika – 15 ng Mayo nagtapos ang enhanced community quarantine kasabay ng pagpatupad ng general community quarantine sa buong bansa maliban sa National Capital Region, Laguna at Cebu na isinailalim sa MECQ dahil sa naitalang mataas na kaso ng COVID 19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 29,285 total views

 29,285 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 53,601 total views

 53,601 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 89,391 total views

 89,391 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 130,683 total views

 130,683 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 182,031 total views

 182,031 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top