Diocese ng Borongan, hinati ang natitirang pondo sa pagtulong sa mga apektado ng bagyong Ambo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 995 total reads

May 17, 20201, 2:21PM

Hinangaan ng obispo ng Diyosesis ng Borongan sa Eastern Samar ang matatag na pananampalataya ng mga mamamayang labis naapektuhan ng nagdaang bagyong Ambo.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Crispin Varquez, itinuring nitong super typhoon ang nagdaang bagyo batay na rin sa iniwang epekto nito lalo na sa northern part ng diyosesis kung saan nasira ang ilang simbahan, mga bahay at establisimiyento.

Aniya, bagamat doble ang hirap ng mamamayan sa mga hardly hit areas sa lalawigan, nakikitaan pa rin ito ng matibay na pananalig sa Diyos.

“Doble ang hirap ng mga tao dito (Eastern Samar), pero we have to move on we have to continue sabi nga ng mga tao, magpasalamat pa rin tayo sa Diyos na buhay tayo; ‘yan ang beauty ng people who have faith hinangaan ko sila,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council mahigit sa isandaang libong indibidwal ang lumikas partikular sa Samar upang makaligtas sa hagupit ng bagyo na maihalintulad sa bagyong Yolanda na nag-iwan ng labis na pinsala sa lalawigan.

Sinabi ni Bishop Varquez apat na indibidwal ang kumpirmadong nasawi sa nagdaang bagyo habang patuloy pa rin ang assessment ng social action center ng diyosesis upang matukoy ang lawak ng pinsala lalo sa mga simbahan.

Ibinahagi din ng Obispo ang labis na pinsala ng simbahan ng San Ramon Nonato Parish sa bayan ng Arteche at kabilang sa siyam na parokyang naapektuhan ng bagyo sa pitong munisipalidad ng Eastern Samar.

Dahil sa kasalukuyang pandemyang naranasan ng buong daigdig, humiling panalangin ang obispo para sa mamamayan sa lugar at sa iba pang apektado ng bagyo na labis din ang paghihirap dahil sa kawalan ng sapat na kita.

“Patuloy n’yo po kaming ipanalangin; sa mga taong gustong tumulong lang po alam ko naman ang hirap na rin ang mga tao ngayon ngunit gustong tumulong, you can bring your assistance sa mga victims,” dagdag pa ni Bishop Varquez.

Inihayag ng obispo na hindi rin maaasahan sa kasalukuyan ang pamahalaan lalo’t malaki na ang nagastos at nagsagawa na rin ng re-alignment sa pondo upang tulungan ang mga Filipinong nahirapan dahil sa pandemic COVID 19.

Sinisikap ng diyosesis na paghati-hatiin ang nalalabing pondo ng social action center para sa mga biktima ng bagyo upang maibsan ang paghihirap ng mga tao sa rehiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 115,867 total reads

 115,867 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 253,603 total reads

 253,603 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 369,378 total reads

 369,378 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 485,175 total reads

 485,175 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top