AMRSP SA IATF: Isama ang simbahan sa pagbalangkas ng panuntunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total reads

May 21, 2020-6:45am

Umapela ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na isama ang mga lingkod ng Simbahan sa pagpaplano kaugnay sa pag-iingat ng publiko mula sa banta ng Pandemic Novel Coronavirus.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Fr. Angel Cortez, OFM hindi dapat ihiwalay ang Simbahan sa pagpaplano para sa kaligtasan ng bawat isa sapagkat kaisa ng pamahalaan ang Simbahan sa paglaban na matapos na ang krisis na dulot ng COVID-19.

“Nananawagan din naman kami sa IATF na isama din naman ang Simbahan sa pagdi-desisyon, alam namin na nagdo-double time yung gobyerno pero ang panawagan namin isama rin tayo doon sa kanilang masusing pagpaplano at pag-iisip upang kabahagi tayo kasi marami naman talagang inisyatibo ang mga kongregasyon bukod sa pagbubukas ng mga kumbento at Simbahan, pero ang panawagan natin huwag naman tayong baliwalain upang talagang yung gusto nating mangyari hindi hiwalay doon sa kabuuang plano,” ayon kay Fr. Cortez sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Pari, bukod sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos at pagbubukas ng mga kumbento at Simbahan ay marami pang ibang maiaambag ang Simbahang Katolika para sa pangkabuuang kalagayan ng bansa mula sa pagkalat ng pandemya.

Giit pa ni Fr. Cortez, dapat ituring na isa rin sa mga pangunahing pangangailangan ang gabay pang-espiritwal na naihahatid ng Simbahan Katolika sa bawat isa.

Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa kawalan ng sapat sa konsultasyon ng IATF-EID kaugnay sa mga gawaing pang-Simbahan.

Batay sa Section 2 No. 9 ng guidelines na inilabas ng IATF, pinahihintulutan na ang pagsasagawa ng mga gawaing pang-Simbahan sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine ngunit limatado lamang sa limang katao ang maaring dumalo habang sampu naman sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Giit ni Bishop Pabillo, hindi praktikal at hindi makatotohanan ang panuntunan lalo’t sa mga tanggapan at iba pang institusyon ay pinapayagan ng pamahalaan ang halos kalahati ng work force habang nilimitahan lamang ang maaring maging laman ng mga Simbahan na malalaki ang kapasidad upang matiyak na maipatupad ang social distancing ng bawat isa.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 24,166 total reads

 24,166 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 44,711 total reads

 44,711 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 120,782 total reads

 120,782 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 206,152 total reads

 206,152 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 252,888 total reads

 252,888 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 300,759 total reads

 300,759 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 398,600 total reads

 398,600 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top