Sambayanang Filipino, hinimok na huwag maging kampante sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 706 total reads

May 21, 2020, 12:30PM

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) ang mamamayan na huwag maging kampante sa paligid dahil laganap pa rin ang corona virus.

Ayon kay Camillan Priest Reverend Father Dan Cancino, MI, Executive Secretary ng komisyon, kahit magkaiba ang lebel ng quarantine na ipinatutupad ng pamahalaan ay dapat panatilihin ng tao ang labis na pag-iingat sa kalusugan upang maiwasan ang pagkahawa sa COVID 19.

“Huwag tayong maging kampante, kahit nasa iba’t- ibang level tayo ng quarantine dapat panatilihin natin ang tamang kamalayan at kaalaman tungkol sa minimum public health standards,” pahayag ni Fr. Cancino sa Radio Veritas.

Muling pinaalalahanan ng Camillan doctor-priest ang mamamayan na ugaliin ang pagsusuot ng face masks, paggamit ng 70% solution hand sanitizers, paghuhugas ng kamay, regular na pag-check sa kalagayan at temperatura ng katawan bilang mga pangunahing hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng virus.

Ito rin ang tugon ni Fr. Cancino sa magkaibang pahayag nina Department of Health Secretary Francisco Duque at Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan naunang sinabi ni Duque na nasa second wave na ang transmission ng virus sa bansa mula noong Marso na agad namang itinanggi ni Medialdea.

Ipinaliwanag ni Father Cancico na magkakaiba ang pagkaunawa ng tao sa salitang ‘wave’ ngunit paalala nito mas mahalaga ang pag-iingat para sa kalusugan.

“Anumang wave mayroon tayo, mas maganda at mahalaga na vigilant tayo sa nangyayari dahil may virus o yung COVID na ating nilalabanan; ang sapat na kaalaman sa minimum phealth standards ay magbibigay sa atin ng tamang proteksyon,” dagdag ni Fr. Cancino.

Sa pinakahuling tala ng DOH mahigit na sa 13-libong Filipino ang nahawaan sa bansa kung saan 22 porsyento dito ang gumaling na sa karamdaman habang anim na porsyento naman ang nasawi.

Binigyang diin ni Fr. Cancino na kahit alisin na ng pamahalaan ang quarantine sa buong bansa ay mananatili ang virus sa paligid kaya’t mahalaga ang patuloy na preventive measures dahil lubhang mapanganib sa kalusugan ang pagiging pabaya.

Sinabi ng Pari na dapat ding ituring ang sarili na potential asymptomatic carrier ng virus na maaring makahawa sa kapwa kaya mahalagang pairalin ang pagiging maingat para sa kapakanan ng bawat isa.

Hinikayat din ni Fr. Cancino ang simbahan at iba pang sektor ng lipunan na tumulong ipaunawa at ituro sa mga nasasakupan ang mga wastong pag-iingat na gagawin upang mapigilan ang pagdami ng transmission.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,855 total reads

 2,855 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 9,077 total reads

 9,077 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 46,703 total reads

 46,703 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 272,973 total reads

 272,973 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 166,439 total reads

 166,439 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 260,019 total reads

 260,019 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top