PNP Chaplain Service, nagpapasalamat sa pamilya ng frontliners

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,011 total reads

May 21, 2020, 1:35PM

Nagpaabot ng pasasalamat ang Philippine National Police – Chaplain Service sa pamilya ng mga pulis na nagsisilbi ring frontliners sa krisis na dulot ng pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay PNP – Chaplain Service Director Rev. Fr. (PCOL) Jason D. Ortizo, malaki ang tulong ng suporta at panalangin ng pamilya ng mga frontliners tulad ng mga pulis upang lalong lumakas ang loob ng mga ito sa pagharap sa kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng nakahahawa at nakamamatay na COVID-19.

Iginiit ng Pari na mahalaga ang pagkakaroon ng suportang pang-espiritwal at moral lalo na sa gitna ng pandemya kung saan puno ng takot, pangamba at pag-aalinlangan ang lahat mula sa COVID-19.

Ibinahagi ni Fr. Ortizo na ang pagkakalantad sa kapahamakan ang isa sa hamon ng pagkakaroon ng mahal sa buhay na frontliners tulad ng mga doctor, nurse at maging ng mga pulis.

“Ang mga pamilya naman ng mga kapulisan ay laging sumusuporta sa mga trabaho nila talagang iniintindi nila at nilalakasan na rin nila yung kanilang mga loob sa ganitong panahon. Sa mga naging frontliners, kasama na yun sa isa sa mga challenges sa miyembro ng pamilya kaya pasalamatan din natin ang mga pamilya ng ating mga kapulisan.” pahayag ni Fr. Ortizo sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang hinimok ni Fr. Ortizo ang mga pulis na nagsisilbing frontliners na manalangin kasabay ng pagtugon sa kanilang tungkulin na tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa mula sa banta ng COVID-19.

Ayon sa Pari, bukod sa pagsunod sa mga medical procedures ay mahalaga rin ang tulong at paggabay ng Panginoon upang ipag-adya ang bawat isa mula sa kumakalat na sakit.

Batay sa pinakahuling tala ng PNP Health Service noong ika-18 ng Mayo, umaabot na sa 250 ang bilang ng PNP personnels na nagpositibo sa COVID-19 kung saan may 538 ang suspected Persons Under Investigation at 754 naman ang patuloy na binabantayan bilang probable persons under investigation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 116,858 total reads

 116,858 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 254,478 total reads

 254,478 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 370,254 total reads

 370,254 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 486,013 total reads

 486,013 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top