Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Episcopal ordination ni Bishop-elect Inzon, dinaluhan ng 10-katao lamang

SHARE THE TRUTH

 267 total views

May 21, 2020, 3:24PM

Tiniyak ni Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo ang suporta at pakikipagtulungan kay Apostolic Vicariate of Jolo Sulu Bishop-elect Charlie Inzon.

Inihayag ni Cardinal Quevedo na kaisa ito sa mga gawain ng bagong pinunong pastol ng Jolo lalo’t malaking bilang ng populasyon sa lugar ay mga Muslim.

“I spread my collaboration and I express my fraternal collaboration with all the work that he (Bishop Inzon) does for the people of Jolo and the people of his vicariate is mostly Muslims,” pahayag ni Cardinal Quevedo sa Radio Veritas.

Dalangin ni Cardinal Quevedo para sa obispo ng Jolo na ipagpatuloy ang mabubuting gawain bilang misyonerong bahagi ng Oblates of Mary Immaculate (OMI) na nagsusulong ng pagkakaisa at kapayapaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim sa lugar sa mahabang panahon.

Matatandaang ikaapat ng Abril nang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop-elect Inzon bilang obispo ng Jolo Sulu makaraaan ang dalawang taong pagiging sede vacante nang humalili si Bishop Angelito Lampon kay Cardinal Quevedo sa Arkidiyosesis ng Cotabato.

Ika – 21 ng Mayo ganap na alas tres ng hapon ay isinagawa ang episcopal ordination ni Bishop – elect Inzon sa Immaculate Conception Cathedral sa Cotabato City sa pangunguna ni Archbishop Lampon bilang consecrator habang co-consecrator naman sina Cardinal Quevedo at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Ibinahagi ni Cardinal Quevedo sa Radio Veritas na sampung katao lamang ang dumalo sa ordinasyon ni Bishop Inzon batay na rin sa kautusan ng Inter Agency Task Force hinggil sa alituntunin sa mga lugar sa ilalim ng General Community Quarantine.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,718 total views

 69,718 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,493 total views

 77,493 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,673 total views

 85,673 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,285 total views

 101,285 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,228 total views

 105,228 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top