Health services, tinututukan ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 542 total reads

May 22, 2020, 11:22AM

Tuloy-tuloy ang Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan ng Ifugao at Mt. Province na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

Sa Pangunguna ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, nagsagawa ng mobilization ang nasabing Apostolic Vicariate sa pamamagitan ng pamimigay ng bigas at face mask sa mga mahihirap na residente at mga katutubo.

Ayon kay Bishop Dimoc, bagamat General Community Quarantine na lamang ang umiiral sa kanilang lalawigan ay marami pa din ang nangangailangan ng tulong lalo na sa bahagi ng health services at protective gears gaya ng mga face mask.

“With the new situation of GCQ, it is a felt need for people to have access to mask.” Pahayag ni Bishop Dimoc.

Dahil dito personal na nagpagawa ng face mask ang Obispo sa pamamagitan ng financial assistance mula sa Caritas Manila na siyang ipapamahagi sa mga poorest among the poor sa darating na linggo.

“Not for mass distribution but only for the poorest. We distribute to parishes. In each parish, BEC leaders identify those who cannot even afford masks for family members. Others may decide to give masks to people who will distribute Sunday Communion in their houses.”pahayag ni Bishop Dimoc sa Radio Veritas
Magugunitang unang nagpadala ng tatlong daang libong piso ang Caritas Manila sa Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas.

Sa kasalukuyan, abala din ang iba pang Diyosesis na natulungan ng Caritas Manila sa pagpapatuloy ng kanilang relief operations sa pagpapatupad ng mas maluwag na Quarantine sa kanilang mga lalawigan.

Read: https://www.veritas846.ph/caritas-manila-nagbigay-ng-5-7-milyong-pisong-financial-assistance-sa-21-diocese-at-archdiocese-sa-bansa/?fbclid=IwAR0YPBxnccSFH7SM_-rdmhq2OY0x-H5EVGPW32DaAPeDU_m0gMjGI0KYIyI

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 115,859 total reads

 115,859 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 253,595 total reads

 253,595 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 369,370 total reads

 369,370 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 485,167 total reads

 485,167 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 124,299 total reads

 124,299 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top