Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging makatotohanang storytellers, hamon ng CBCP sa mananampalataya at mamamahayag

SHARE THE TRUTH

 221 total views

May 22, 2020, 1:21PM

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mananampalataya na patuloy ibahagi ang mabuting balita ng Panginoon sa lipunan lalo na sa gitna ng krisis na dulot ng pandemic corona virus disease.

Ayon kay Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communications, ito ang ginagampanan ng simbahang katolika sa lipunan na nagpapalaganap ng magandang balita na nakaugat sa dakilang pag-ibig ng Diyos.

“Ang simbahan talaga ang gawain ay dalhin ang mabuting balita, yung mabuting kuwento, ng pag-ibig ng Diyos sa mundong ito,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng Obispo ay batay sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ika – 54 na World Communications Day 2020, na ipagdiriwang sa Linggo, ika – 24 ng Mayo kasabay ng dakilang kapistahan ng pag-akyat ni Hesus sa langit o Ascencion Sunday.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Pope Francis ang tema ngayong taon “ang storytelling o pagbabahagi ng mga kuwento na makatutulong mapalakas ang bawat isa sa pamamagitan ng mga magagandang karanasan na batay sa katotohanan.

Sinabi ng Santo Papa na ang bawat isa ay maituturing na story-tellers sapagkat nagpapatuloy sa paglago ang bawat isa kasabay ng pagkakatuklas ng sarili tungo sa mas malalim na pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa Diyos.

Kaugnay ditto, sinabi ni Bishop Maralit na napakahalaga ng misyon ng bawat isa at ng simbahan na ikuwento sa pamayananan ang magandang balita na hitik sa katotohanan.

“Paanyaya po talaga ito sa lahat ng mananampalataya hindi lamang sa mga communicators na tayo ay magpatuloy magbahagi sa kuwento ng pag-ibig ng Diyos na batay din sa kuwento ng ating pamumuhay bilang mga Kristiyano lalo na sa pagharap sa pandemyang ito,” giit ni Bishop Maralit.

PAANYAYA SA MGA MAMAMAHAYAG
Hinimok din ni Bishop Maralit ang industriya ng pamamahayag na itaguyod ang katotohanan sa pagbabahagi ng mga impormasyon sa publiko.

Ipinaalala ng Obispo sa mga mamamahayag na mahalagang balanse ang bawat kuwentong ibinabahagi at tunay na walang kinikilingan, hindi sumasang-ayon sa pansariling pananaw o sa sinasabi ng iba.

“Be courageous to bring out the truth lalo na sa gitna ng ganitong sitwasyon [pandemic] dahil pangangailangan talaga ng tao ang katotohanan,” dagdag ni Bishop Maralit.

Iginiit ng Obispo na napakahalaga ng gampanin ng mga tagapamahayag na dalhin ang katotohanan sa mamamayan.

Nanindigan si Bishop Maralit na ito ang mabisang panlaban sa lumalaganap na fake news sa lipunan partikular sa social media kung saan batay sa pag-aaral higit sa 60 porsyento sa populasyon ng mga Filipino ay aktibo sa internet.

SOCIAL COMMUNICATIONS MINISTRY
Labis ang pasasalamat ng obispo sa mga volunteers ng simbahan sa social communications ministry ng bawat diyosesis at parokya sa napakalaking tungkulin na ginagampanan ngayong humaharap ang simbahan sa krisis bunsod ng pandemic COVID 19.

Hinahamon ni Bishop Maralit ang SoCom na gamitin ang oportunidad na makapaglingkod sa Diyos at sa kapwa sa pamamagitan ng paghahatid ng mga gawaing pansimbahan sa pamamagitan ng livestreaming sa kabila ng kawalan ng sapat na kagamitan.

“Lagi akong nagpapasalamat sa kanila [SoComm Ministies]; I’m always telling them na ganito kahalaga ang trabaho ng pagdadala ng good news; we have to take courage na talagang we are given this opportunity, so don’t waste it,” saad ng obispo.

Pinayuhan ng Obispo ang SoCom na ipagpatuloy at palaguin ang kakayahan sa pagpapalawak ng network sa iba pang mga diyosesis upang higit na maipalaganap ang mabuting balita ng Panginoon at mga mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pamamagitan ng social media at iba pang media platform.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 8,940 total views

 8,940 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 14,913 total views

 14,913 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 20,668 total views

 20,668 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 27,931 total views

 27,931 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 35,915 total views

 35,915 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Norman Dequia

Drones na gagamitin sa search at rescue operations, inilunsad

 4,282 total views

 4,282 total views Hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa. Kaugnay nito tiniyak ng DJI Enterprise Philippines ang patuloy na pagpaunlad sa mga kagamitang makatutulong sa lipunan kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ayon kay DJI Director Garrick Hung, makatutulong ang drones sa pagpapatupad ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 4,238 total views

 4,238 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 4,312 total views

 4,312 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 7,390 total views

 7,390 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 7,398 total views

 7,398 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 7,931 total views

 7,931 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 7,948 total views

 7,948 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 8,970 total views

 8,970 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 9,110 total views

 9,110 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 9,117 total views

 9,117 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 9,421 total views

 9,421 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 11,794 total views

 11,794 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 12,310 total views

 12,310 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 13,025 total views

 13,025 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 15,863 total views

 15,863 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top