‘Dialogue of Life’ sa pagitan ng Muslim at Kristiyano, bahagi ng adbokasiya ni Bishop Inzon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 521 total views

May 26, 2020-11:45am

Tiniyak ni Apostolic Vicariate of Jolo Bishop Charlie Inzon na paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan sa lugar lalo’t malaking porsyento sa populasyon ay mga Muslim.

Ayon pa sa bagong talagang Obispo, matagal nang umiiral ang ‘dialogue of life’ sa lalawigan upang mas maisulong ang pakikipagkapwa ng mamamayan katuwang ang lokal na pamahalaan.

“Tuloy-tuloy yung dialogue of life and helping local government units in our social services,” pahayag ni Bishop Inzon sa Radio Veritas.

Giit ni Bishop Inzon na sa pamamagitan ng dayalogo at iba’t ibang programa ay pinalalago ang interpersonal relationship ng mga Krsitiyano at Muslim tungo sa mas maayos at payapang lipunan.

Isinasabuhay din sa Jolo ang dialogue of faith partikular sa mga eskwelahan tulad ng Notre Dame schools na pinamamahalaan ng Oblates of Mary Immaculate ang kongregasyong kinabibilangan ng obispo.

Sa pagkahirang na pinunong pastol ng Jolo pinili ni Bishop Inzon ang episcopal motto na ‘You are my friend’ na hango mula sa aklat ni Juan kabanata 15 talata 14 sapagkat babalik lamang ito sa lugar kung saan 15 taong nanilbihan bilang misyonerong kabahagi ng mga OMI.

“Hindi pumasok sa akin ang pangamba o yung takot na sinasabi nila kasi babalik ako sa lugar kung saan kilala ko na yung mga tao at naging misyonero ako,” dagdag ni Bishop Inzon.

Umaasa ang obispo na tuluyang makamtan ng mamamayan sa lugar ang pagkakaisa bilang makakapatid at kapwa mga anak ng Diyos.

Ikaapat ng Abril ng italaga si Bishop Inzon ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang obispo ng Jolo habang kasalukuyan itong Superior ng OMI.

Noong ika-21 ng Mayo ay pormal na inordinahan sa Immaculate Conception Cathedral sa Cotabato City sa pangunguna ni Archbishop Angelito Lampon habang co-consecrator naman si Cardinal Orlando Quevedo at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Dahil dito umaasa si Bishop Inzon na sa kanyang pamamahala ay maging intrumento upang matamo ang kapayapaan sa rehiyon.

“Sa pamamagitan ng healing sa personal level at social level, sana maging instrumento ako sa peace and order at sa mabuting relasyon ng mga Kristiyano at Muslim,” giit ni Bishop Inzon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 7,476 total views

 7,476 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 31,792 total views

 31,792 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 67,582 total views

 67,582 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 109,357 total views

 109,357 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 162,123 total views

 162,123 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top