Pagpanaw ng Filipinong pari sa New York dahil sa Covid-19, ipinagluluksa ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 693 total reads

May 26, 2020-2:07pm

Nakiramay at nakiisa si Catarman Bishop Emmanuel Trance sa pamilya ng Filipinong pari na pumanaw dahil sa novel coronavirus.

Labis ang panghinayang ni Bishop Trance sa pagpanaw ni Msgr. Romualdo Sosing sapagkat aktibo itong naglilingkod sa simbahang katolika na nakabase na ngayon sa New York sa Amerika.

“It was sad news for us, we are one in prayer in the diocese with the family of Msgr. Boy, we entrust everything to God and we know it is a great loss for the family, in the Diocese of Catarman and even to his diocese in New York,” pahayag ni Bishop Trance sa Radio Veritas.

Si Msgr. Sosing ang kauna-unahang Filipino na naging kura paroko Sa Long Island sa New York.

Ayon kay Bishop Trance, makahulugan ang pagpanaw ng pari na nation sa pagdiriwang ng kapistahan sa pag-akyat sa langit ng Panginoong Hesukristo kaya’t tiyak na ito’y nasa mabuting kalagayan na sa piling ng Panginoon.

Kasalukuyang naglilingkod si Msgr. Sosing sa Holy Name Parish sa Valley Stream nang magpositibo ito sa COVID 19 at pumanaw nitong ika-24 ng Mayo.

Ang pari ay naordinahan sa diyosesis ng Catarman noong 1977 at naglingkod sa Diocese of Rockville Center sa Amerika noong 2004.

Noong 2013 ganap na naging US citizen si Msgr. Sosing at ilan sa mga institusyon na kanyang pinagsilbihan ang St. Luke’s church sa Brentwood, Notre Dame sa New Hyde Park at sa St. Dominic sa Oyster Bay.

Isang misa naman ang ginanap sa Diyosesis Ng Catarman sa pangunguna ni Bishop Trance at Bishop-emeritus Angel Hobayan para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Msgr. Sosing.

Ipinapanalangin naman ng Obispo ang lahat ng mamamayan sa New York lalo na ang mga Overseas Filipino Worker particular sa medical sector para sa kanilang kaligtasan mula sa nakahahawang virus kung saan sa naitala sa lugar ang mahigit 300-libong positibong kaso ng COVID 19 at sa naturang bilang halos 30-libo na ang nasawi.

“We are with them in prayer especially our healthcare workers and all Filipinos who are there, we know we are fighting in this invisible enemy, in all these we know there is nothing impossible with God we will be able to overcome this crisis. May we have the strength and patience to do everything to contain the virus; all the health protocols necessary so that we can stop the virus,” dagdag pa ni Bishop Trance.

Bukod kay Msgr. Sosing, una na ring nasawi dulot ng novel coronavirus si Augustinian Fr. Guilbert Centina III sa Espanya.

Habang sa Pilipinas, naitala na rin ang kauna-unahang pagkamatay ng isang pari dulot ng pandemya na si Fr. Arnel Celis na mula sa Diocese ng Tagum.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 18,467 total reads

 18,467 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 39,056 total reads

 39,056 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 109,226 total reads

 109,226 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 194,594 total reads

 194,594 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 241,330 total reads

 241,330 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 289,202 total reads

 289,202 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 387,540 total reads

 387,540 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top