‘Dialogue of Life’ sa pagitan ng Muslim at Kristiyano, bahagi ng adbokasiya ni Bishop Inzon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 717 total reads

May 26, 2020-11:45am

Tiniyak ni Apostolic Vicariate of Jolo Bishop Charlie Inzon na paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan sa lugar lalo’t malaking porsyento sa populasyon ay mga Muslim.

Ayon pa sa bagong talagang Obispo, matagal nang umiiral ang ‘dialogue of life’ sa lalawigan upang mas maisulong ang pakikipagkapwa ng mamamayan katuwang ang lokal na pamahalaan.

“Tuloy-tuloy yung dialogue of life and helping local government units in our social services,” pahayag ni Bishop Inzon sa Radio Veritas.

Giit ni Bishop Inzon na sa pamamagitan ng dayalogo at iba’t ibang programa ay pinalalago ang interpersonal relationship ng mga Krsitiyano at Muslim tungo sa mas maayos at payapang lipunan.

Isinasabuhay din sa Jolo ang dialogue of faith partikular sa mga eskwelahan tulad ng Notre Dame schools na pinamamahalaan ng Oblates of Mary Immaculate ang kongregasyong kinabibilangan ng obispo.

Sa pagkahirang na pinunong pastol ng Jolo pinili ni Bishop Inzon ang episcopal motto na ‘You are my friend’ na hango mula sa aklat ni Juan kabanata 15 talata 14 sapagkat babalik lamang ito sa lugar kung saan 15 taong nanilbihan bilang misyonerong kabahagi ng mga OMI.

“Hindi pumasok sa akin ang pangamba o yung takot na sinasabi nila kasi babalik ako sa lugar kung saan kilala ko na yung mga tao at naging misyonero ako,” dagdag ni Bishop Inzon.

Umaasa ang obispo na tuluyang makamtan ng mamamayan sa lugar ang pagkakaisa bilang makakapatid at kapwa mga anak ng Diyos.

Ikaapat ng Abril ng italaga si Bishop Inzon ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang obispo ng Jolo habang kasalukuyan itong Superior ng OMI.

Noong ika-21 ng Mayo ay pormal na inordinahan sa Immaculate Conception Cathedral sa Cotabato City sa pangunguna ni Archbishop Angelito Lampon habang co-consecrator naman si Cardinal Orlando Quevedo at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Dahil dito umaasa si Bishop Inzon na sa kanyang pamamahala ay maging intrumento upang matamo ang kapayapaan sa rehiyon.

“Sa pamamagitan ng healing sa personal level at social level, sana maging instrumento ako sa peace and order at sa mabuting relasyon ng mga Kristiyano at Muslim,” giit ni Bishop Inzon.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 19,649 total reads

 19,649 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 40,229 total reads

 40,229 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 111,261 total reads

 111,261 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 196,629 total reads

 196,629 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 243,365 total reads

 243,365 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 291,237 total reads

 291,237 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 389,430 total reads

 389,430 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top