Catholic schools, pinaghahanda na sa pagbubukas ng klase

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 643 total views

May 29, 2020, 2:07

Umaapela ang opisyal ng Catholic Educational Association of the Philippines – National Capital Region sa mamamayan partikular sa mga guro na patuloy na maghanda at higit sa lahat manalangin sa ikaaayos ng sitwasyon.

Ayon kay Reverend Father Nolan Que, Ph.D, CEAP-NCR Trustee, marami sa mga guro ang nangangamba sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pahihintulutan ang pagbubukas ng klase hangga’t walang bakuna kontra COVID 19.

“I know that the recent pronouncement of the President made some of you anxious of the future of our schools. As stewards of Catholic schools, I am appealing to all of you to pray, plan, and prepare!,” pahayag ni Fr. Que.

Matatandaang kinatigan ni Department of Health Secretary Francisco Duque ang plano ng Department of Education na magbukas ng klase sa ika – 24 ng Agosto ngayong taon.

Nanindigan naman ang punong ehekutibo na hindi pa ito nararapat dahil sa kawalan ng gamot laban sa nakahahawang virus na patuloy na banta mamamayan sa buong daigdig.

Hinimok ng Barangay Simbayanan anchor priest ang lahat na ipanalangin ang mga lider ng pamahalaan lalo na ang mga namamahala sa sitwasyon ng bansa kaugnay sa pandemya na magabayan ng Banal na Espiritu sa pagdedesisyon.

“Pray that the leaders of our country be guided by the Holy Spirit in their decision making as they continue to steer us in this pandemic. May the Holy Spirit dawn upon their hearts and minds as we celebrate Pentecost Sunday on May 31,” dagdag ni Fr. Que.

Tiniyak ni Fr. Que na nakapagbalangkas na ng mga dapat gawin ang mahigit isandaang CEAP member school sa N-C-R kaugnay sa nararapat gawin sa pagbabalik ng klase ng mga estudyante batay na rin sa tinuran ng Catholic Educators Association.

“Plan the institutional continuity of our schools, bearing in mind the national framework set by the Catholic Educators Association of the Philippines. Adjust the framework according to your school’s current situation as necessary,” saad ng pari.

Paanyaya ni Fr. Que sa mga kawani ng paaralan na ipagpatuloy ang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase upang matiyak ang kaayusan lalo na sa online classes.

Matatandaang unang iminungkahi ang virtual classes sa mga estudyante upang matiyak na ligtas ang kalusugan ng mga kabataan mula sa COVID 19 at maiwasan ang pagtitipon ng mga kabataan lalo na sa pampublikong paaralan kung saan siksikan sa loob ng mga silid-aralan.

“Prepare for school opening for SY 2020-2021. Continue to promote Catholic education. Open our offices for inquiries and payments if the local government allows. Provide online enrollment forms and online payment schemes,” giit ng opisyal.

Binigyang diin ni Fr. Que na ito ang wastong panahon na maging handa at pasasailalim sa kanlugan ng Panginoon na muling nabuhay na nagsasabing hindi dapat nangangamba at natatakot ang sinuman.

Tiniyak ni Fr. Que sa kawani ng mga paaralan na nakikiisa ito sa krisis na kinakaharap at hinimok na magkakaisa upang mapagtagumpayan ang anumang kinakaharap dulot ng pandemic COVID 19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 44,737 total views

 44,737 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,606 total views

 40,606 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 76,808 total views

 76,808 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,574 total views

 85,574 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,089 total views

 111,089 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top