Pentekostes, paalala sa mananampalayata na kapiling natin ang Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 655 total views

May 30, 2020-10:42am

Ang paggunita sa Dakilang Kapistahan ng Pagbaba ng Espiritu Santo o Pentekostes ay isang paalala na ang Diyos ay palaging nasa piling ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ito ang ibinahagi ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista–chairman, CBCP-Permanent Committee on Public Affairs kaugnay sa paggunita ng Pentecost Sunday, bukas ika-31 ng Mayo.

Paliwanag ng Obispo, sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay patuloy ang paggabay at pagpatnubay ng Diyos sa bawat isa na nagsisilbing tagapag-tanggol, lakas at katatagan sa pagharap sa mga hamon ng buhay tulad ng kinahaharap ng buong daigdig na krisi dulot ng pandemya na Coronavirus Disease 2019.

“Ipinapaalala sa atin ng kapistahan na ito na ang Diyos ay kapiling natin sa pamamagitan ng Espiritu Santo, siya ang gabay, siya ang patnubay, siya ang tagapagtanggol, siya ang pinagmumulan ng lahat ng mga lakas natin para sa pagharap ng hamon sa buhay na ito lalo na ngayong panahon ng health crisis dulot ng COVID-19,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Evangelista sa panayam sa Radio Veritas.

Ayon pa sa Obispo, ang pagbaba rin ng Espiritu Santo ang siyang pinagmumulan ng kakayahan at abilidad na dapat gamitin ng bawat isa upang makatulong sa kapwa lalu na higit na mga nangangailangan.

Giit ni Bishop Evangelista, ang mga handog na ito ay dapat na ibahagi sa mga nangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Ang pagbaba ng Espiritu Santo ay pagpapaalaala din sa ating lahat na tayo ay palagi may maaasahang lakas at tulong mula sa Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ang Espiritu Santo rin ang pinagmumulan ng ating mga talent, charisms, gifts na tinatawag na dapat nating gamitin para tulungan ang iba,” dagdag pa ng Obispo.

Ang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes na pagdiriwang sa pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostoles ay ginugunita limampung araw o ikapitong Linggo makaraan ang muling pagkabuhay ni Hesuskristo na siya ring hudyat ng pagtatapos ng Easter Season o Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Sa araw na ito ay ginugunita rin ang pagsilang ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 160,257 total views

 160,257 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 190,480 total views

 190,480 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 217,126 total views

 217,126 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 312,099 total views

 312,099 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 322,713 total views

 322,713 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top