Royal pardon sa mga nahatulang OFW sa Bahrain,ikinatuwa ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 635 total views

June 1, 2020, 2:15PM

Ikinatuwa ng International Catholic Migration Commission (ICMC) ang paggawad ng royal pardon sa mga nahatulang Overseas Filipino Workers sa Bahrain.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng ICMC – Asia-Ocenia Working Group at Vice Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI), ito ay pagpapakita ng pakikiisa sa pagitan ng mga bansa at pagmamalasakit sa kapwa.

“Ito ay napakagandang halimbawa kung saan ipinakikita yung spirit of compassion and mutual relationship between country; we can apply to be considerate, to be compassionate, to be caring sa mga tao na nasa ating bansa o mga naglilingkod at nagtatrabaho sa ibang bansa,”pahayag ni Bishop sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas na ito ay inspirasyon at nagpapalakas sa kalooban ng pamilya ng mga nahatulan na muling mabigyan ng pagkakataon ang kaanak.

Una nang pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si His Majesty King Hamad Bin Isa Al Khalifa ang pinuno ng Bahrain sa paggawad ng pardon sa labing-anim na OFW na nahatulan sa kanilang bansa.

Sa pahayag naman ni Presidential Assistant on Foreign Affairs and Chief of Presidential Protocol Robert Borje, ang hakbang ng Bahrain sa pagpapalaya sa 154 na mga indibidwal kabilang na ang mga Filipino ay magandang halimbawa ng pagpapakatao.

SECOND CHANCE
Hamon ni Bishop Santos sa mga O-F-W na nagawaran ng royal pardon na iwasto ang mga pagkakamaling nagawa at pahalagahan ang pangalawang pagkakataon na ibinigay.

“Challenge ko rin ito sa mga pardoned na this is their second chance, ito ay pangalawang buhay, pangalawang pagkakataon, na kung may pagkukulang ay itama na at pagbutihin na ang relasyon sa kapwa tao, sa pinagtatrabuahn at sa trabaho,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Tiniyak ni Bishop Santos na patuloy ang ICMC at maging ang CBCP – ECMI sa pagtulong sa mga OFW na nahaharap sa anumang suliranin sa ibayong dagat habang iginagalang ang mga umiiral na batas sa bawat bansang kanilang pinagtatrabahuan.

Batay sa tala ng gobyerno tahanan sa mahigit 60-libong OFW ang Bahrain na binubuo ng mga propesyonal, mga skilled workers at mga household service workers.

Magugunitang sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Bahrain ay nilagdaan ng dalawang bansa ang apat na kasunduan kabilang na ang mga bagong pamumuhunan sa bansa na makalilikha ng mga trabaho.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 96,133 total views

 96,133 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 220,544 total views

 220,544 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 261,386 total views

 261,386 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 336,258 total views

 336,258 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top