Tutukan ang COVID-19 pandemic at Marawi rehab sa halip na Anti-Terrorism bill-AMRSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,355 total reads

June 4, 2020, 11:35AM

Manila,Philippines — Nagpahayag ng pangamba ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines o AMRSP sa pagpapasa ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Anti-Terrorism Bill na mag-aamyenda ‘Human Security Act of 2007′ na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag na inilabas ng grupo, nangangamba ito sa pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa pagpasa ng mga batas na lalabag sa karapatang pantao at freedom of expression ng mga Filipino.

Ayon sa AMRSP, dapat tutukan ng pamahalaan ang epektibong pagtugon sa pandemyang kinahaharap hindi lamang ng bansa kung hindi ng buong mundo bunsod na rin ng coronavirus disease.

“COVID-19 is the enemy in our midst. Terrorism is not our immediate concern. Marawi’s rehabilitation and the continued displacement of communities should be our priority. People’s health, safety and well-being should be first in our agenda.”pahayag ng AMRSP.

Iginiit ng grupo na masyadong malawak at hindi malinaw ang kahulugan ng terorismo at terorista sa batas na maaaring maging dahilan ng pang-aabuso at maling pagpapatupad ng nasabing batas.

Nanawagan rin ang grupo sa muling pagbubukas ng mga simbahan at parokya alinsunod na rin sa muling pagbubukas ng mga negosyo at mga malls.

Ayon sa grupo, mahalaga rin na mabuksan ang simbahan sa mga mananampalataya lalo sa mga frontliners na nangangailangan ng inspirasyon upang patuloy na labanan ang pandemya na COVID-19.

“Meanwhile churches remain under strict rules of 10 persons in a church activity. If we can open businesses and malls where surely mass gatherings and contacts can occur why can we not open churches so that our people may find solace and may partake of the body and blood of our Lord Jesus Christ? Our frontliners need most these places of worship to keep their sanity and draw inspiration to make them stronger in fighting the pandemic.” Ayon sa AMRSP

Samantala, unang kinondena ng Commision on Human Rights ang Anti-terror bill dahil maraming nakakabahalang probisyon sa panukalang batas na lalabag sa karapatang pantao ng mga ordinaryong mamamayan.

Read: https://www.veritas846.ph/anti-terror-bill-kinontra-ng-chr/

Nasasaad naman sa encyclical ni Pope Leo the 13th noong 1891 na Rerum Novarum na bagamat bahagi ng katungkulan ng pampublikong awtoridad na supilin at parusahan ang anumang paglabag sa batas ay nararapat na igalang ang karapatang pantao.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 53,124 total reads

 53,124 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 103,546 total reads

 103,546 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 224,126 total reads

 224,126 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 274,483 total reads

 274,483 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 399,526 total reads

 399,526 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 365,871 total reads

 365,871 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 471,957 total reads

 471,957 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top