Pakinggan ang hinaing ng sambayanan sa Anti-terror bill- Church group

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 646 total reads

June 6, 2020-9:17am

Umapela ang Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pakinggan ang hinaing at panawagan ng mamamayan Filipino laban sa Anti-Terrorism Bill.

Ito ang panawagan ng grupo kasabay ng pangamba sa pagpasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Anti-Terrorism Bill.

“The Philippine Ecumenical Peace Platform appeals to President Rodrigo R. Duterte to hear the voices of Filipinos who bear the promise of peace in their hearts and veto this Bill when it comes to him for action.”

Sa pahayag na nilagdaan ng grupo sa pangunguna ni PEPP Co-chairperson Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, SJ nakakabahala ang panukalang batas na maari ring makaapekto sa pagpapatuloy ng peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Kabilang sa pangamba ng PEPP ang malawak na kahulugan ng ‘terrorist’ at ‘terrorist groups’ kung saan maaring mataguriang terorista maging ang mga karaniwang mamamayan at lehitimong samahan tulad ng ilang miyembro ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) na maka-ilang ulit nang nadawit sa red-tagging ng mga otoridad.

“Our alarm on the Bill’s passing stems from the recent practice of using the terms Terrorist and Terrorist Groups loosely and indiscriminately in defining enemies of the State and in derailing the GRP-NDFP peace negotiations. Even several civil society organizations,” bahagi ng pahayag ng PEPP.

Nangangamba rin ang PEPP na magdulot ng paniniil sa Kalayaan at Karapatan ng pamamahayag ang panukalang batas sa mamamayan at magdulot ng karahasan at ang pagsasantabi sa demokrasya ng bansa.

Ayon pa sa pahayag, “The Anti-Terrorism Act of 2020 (House Bill 6875), only gives further legitimacy to the criminalization of expressions of freedom and democracy and will translate into more repression in the short term and more violence in the long term.”

Giit ng grupo, mas dapat na bigyang pansin ng mga mambabatas at mga opisyal ng pamahalaan ang pagtugon sa krisis na kinahaharap ng bansa dulot ng pandemic na Coronavirus Disease 2019 lalu na ang kapakanang pangkalusugan at kahirapan ng mamamayan.

“At a time of great national humanitarian crisis when the country is faced by a pandemic that threatens everyone and when the reality of hunger and other health concerns stalk the people in ways never before experienced, it is the call for national unity against the pandemic and its serious long-term implications that is more urgent than ever,” ayon pa sa pahayag ng grupo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,335 total reads

 5,335 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 7,054 total reads

 7,054 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 16,777 total reads

 16,777 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 54,155 total reads

 54,155 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 85,425 total reads

 85,425 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 161,876 total reads

 161,876 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 255,290 total reads

 255,290 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,491 total reads

 24,491 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top