Mamamayan, manindigan kontra “terror bill”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 389 total views

June 6, 2020-5:32pm

Nananawagan ang opisyal ng simbahan sa mga mambabatas na suriing mabuti ang mga probisyon ng isinusulong na Anti-Terror bill.

Ayon kay Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo, tila minadali ng ang pagpasa sa batas at maihabol sa huling araw ng sesyon ng Kongreso ngayong Hunyo.

Panawagan pa ni Bishop Pabillo kay Pangulong Rodrigo Duterte na isantabi ang panukala na una ng pumasa sa Mababang Kapulungan dahil na rin sa mga hindi malinaw na probisyon lalu na sa pakahulugan ng terorismo at terorista.

“I-veto niya yung bill o kaya baguhin yung ibang mga provisions o i-veto niya muna kasi nakita natin minadali na mapasa bago dumating ang June 5 at ipinasa one day before,” ang bahagi ng pahayag ni Broderick Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ni Bishop Pabillo na siya ring Chairman ng CBCP– Episcopal Commission on the Laity ang kanyang mga pangamba sa mga probisyon na nilalaman ng panukalang batas na maaring magamit sa pang-aabuso sa karapatang pantao.

“Ako po ay nati-terrorize sa Anti-Terror Bill, nakakatakot yung Anti-Terror Bill na ‘yan dahil po sa maraming mga provisions niya ang vague kunwari ano ba yung terrorism, ano ba yung dahilan na pwedeng i-apprehend ang mga tao so very vague so madaling pwede i-abuse ng mga otoridad,” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Hinikayat din ng Obispo ang mamamayan na patuloy na magsalita at magpahayag ng saloobin laban sa naturang panukalang batas na maaring magsantabi sa mga karapatan ng bawat mamamayan.

Kinilala rin ni Bishop Pabillo ang pagsasalita at paninindigan ng iba’t ibang sektor ng lipunan laban sa panukalang batas kabilang na ang mga mamumuhunan, mga unibersidad at mga nagsusulong ng karapatang pantao sa bansa.

“Maganda ngayon ay marami ang nagsasalita, nagsasalita ang business, nagsasalita ang mga schools, nagsasalita ang mga human rights groups at dahil diyan ngayon medyo napipigil-pigilan sila kaya kailangan tayo magsalita ngayon kasi baka bukas hindi na tayo makapagsalita, baka magsalita ka terorista ka na,” panawagan ni Bishop Pabillo.

Nauna ng sinertipikahang bilang “urgent” ni Pangulong Duterte ang panukalang batas na layuning amyendahan ang kasalukuyang Anti-Terrorism Law na umiiral sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 52,673 total views

 52,673 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 177,084 total views

 177,084 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 219,246 total views

 219,246 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 296,800 total views

 296,800 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 3,228 total views

 3,228 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top