Ipaglaban ang Kalayaan; tutulan ang Anti-terror bill!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 578 total reads

June 12, 2020-8:38pm

Umaasa si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na hindi madungisan ng isinusulong na Anti-Terror Act of 2020 ang kalayaan na matagal na ipinaglaban at isinulong ng mga mamamayang Filipino.

Ito ang binigyang diin ni Bishop Bagaforo na siya ring Chairman ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines kaugnay sa ika-122 taong paggunita ng Araw ng Kasarinlan ng bansa sa ika-12 ng Hunyo.

Ayon sa Obispo, magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring ipinaglalaban ng mamamayang Filipino ang kalayaan na maaring madungisan ng isinusulong ng mga mambabatas na Anti-Terror Act na naglalaman ng maraming mga probisyon na labag sa mismong Saligang Batas.

“Yun ang ipinaglalaban, yung ating kalayaan at sana ay hindi madungisan yung ating pag-celebrate ng ating kalayaan dito sa gagawing Anti-Terror Act’ na maraming mga provisions doon na labag sa ating values na ipinaglalaban para sa ating Kalayaan,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo, ang mga probinsyon na labag sa karapatang pantao at kalayaan sa pagpapahayag ng mga mamamayan na nasasaad sa Anti-Terror Act of 2020 ang patuloy na iniiwasang muling masiil sa kasalukuyang panahon.

Giit ni Bishop Bagaforo, mahalagang masuri ang mga nilalamang probisyon ng panukalang batas na lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kinakailangan upang maging ganap na batas.

“Sana hindi mangyari uli yung ganun at yun ang gusto nating iwasan at yun ang ating ipinaglalaban kontra sa maraming probisyon na maipasok sa Anti-Terror Act na maaring pirmahan ng ating Pangulo,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Tema ng paggunita sa ika-122 Araw ng Kalayaan ngayong taon ang “Kalayaan 2020: Towards a Free, United, and Safe Nation”.

Nauna ng kinOndina ng NASSA/Caritas Philippines ang panukalang Anti-Terror Act of 2020 na taliwas sa Konstitusyon at labag sa karapatan ng bawat mamamayang Filipino.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,856 total reads

 11,856 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,114 total reads

 13,114 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 27,342 total reads

 27,342 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 64,720 total reads

 64,720 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 95,990 total reads

 95,990 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 171,464 total reads

 171,464 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 264,361 total reads

 264,361 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,592 total reads

 25,592 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top