Kalayaang tinatamasa ng mga Filipino, hindi dapat madungisan ng Anti-Terror Act of 2020

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total views

June 13, 2020, 4:14PM

Umaasa si Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na hindi madungisan ng isinusulong na Anti-Terror Act of 2020 ang kalayaan na matagal na ipinaglaban at pino-protektahan ng mamamayang Filipino.

Ito ang binigyang diin ni Bishop Bagaforo na siya ring Chairman ng CBCP NASSA – Caritas Philippines sa ika-122 taong paggunita ng Araw ng Kasarinlan ng bansa tuwing ika-12 ng Hunyo.

Ayon sa Obispo, magpahanggang sa ngayon ay patuloy pa ring ipinaglalaban ng mamamayang Filipino ang kalayaan na maaring madungisan ng isinusulong na Anti-Terror Act of 2020 na lumalabag sa Saligang Batas.

“Iyon ang ipinaglalaban yung ating kalayaan at sana ay “hindi madungisan yung ating pag-celebrate ng ating kalayaan dito sa gagawing Anti-Terror Act” na maraming mga provisions doon na labag sa ating values na ipinaglalaban para sa ating kalayaan…”pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na maraming probisyon na labag sa karapatang pantao at kalayaan sa pagpapahayag ang nakapaloob sa Anti-Terror Act of 2020 na lagda na lamang ng pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maging ganap na batas.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na mahalagang masuri ang mga nilalamang probisyon ng naturang panukalang batas.

“Sana hindi mangyari uli yung ganun at yun ang gusto nating iwasan at yun ang ating ipinaglalaban kontra sa maraming probisyon na maipasok sa Anti-Terror Act na maaring pirmahan ng ating Pangulo…”saad ni Bishop Bagaforo.

Naunang kinondena ng iba’t-ibang church institution at mga lider ng Simbahang Katolika ang kontrobersiyal na panukalang batas.

Read: https://www.veritas846.ph/understanding-the-anti-terrorism-act-of-2020/
https://www.veritas846.ph/paniniil-sa-kalayaan-ng-mga-filipino-hindi-na-dapat-maulit/
https://www.veritas846.ph/ipaglaban-ang-kalayaan-tutulan-ang-anti-terror-bill/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 159,882 total views

 159,882 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 190,105 total views

 190,105 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 216,751 total views

 216,751 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 311,724 total views

 311,724 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 322,361 total views

 322,361 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top