Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mambabatas na nanindigan laban sa Anti-Terrorism Act, pinasalamatan ng mga lider ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 348 total views

June 13, 2020, 5:28PM

Nagpaabot ng pasasalamat ang Archdiocese of Manila sa mga mambabatas sa limang lungsod na nakasasakop sa arkidiyosesis sa paninindigan ng mga ito laban sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Act of 2020.

Hinihikayat rin ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na pagpaliwanagin ang kanilang mga kinatawan sa Kongreso na bumoto pabor sa panukalang batas na naglalaman ng mga probisyong labag sa karapatang pantao at Saligang Batas.

Ang Archdiocese of Manila ay binubuo ng 5 mga siyudad na kinabibilanhgan ng San Juan, Mandaluyong, Makati at Pasay.

Umaasa naman si Rev. Fr. Jerome Secillano – Executive Secretary ng CBCP -Permanent Committee on Public Affairs na ganap na naunawaan ng mga mambabatas ang mga nilalamang probisyon at implikasyon ng Anti-Terrorism Act of 2020 na kanilang sinuportahan.

Ipinaliwanag ng Pari na bagamat mabuti ang layunin ng naturang panukalang batas ay mahalagang masusi itong pag-aralan upang hindi maabuso sa hinahanap.

Iginiit ni Father Secillano na tungkulin ng mga mambabatas na bigyang linaw ang mga kuwestiyunableng probisyon na maaring magdulot ng kalituhan at maling interpretasyon sa mga susunod na mamumuno at magpapatupad ng naturang panukalang batas sa bansa.

“kung bumoto man sila diyan (sa Anti-Terrorism Act of 2020) sana makita nila din yung direksyon na patutunguhan nito kasi meron itong bearing later on, so hindi lang sa ngayon kundi later on, ngayon dinidebate yan para talaga mas maging malinaw kung ano talaga ang mga provisions na nilalaman magkaroon ng clarity para kapag inimplement mo walang vagueness, walang arbitrariness and years from now wala na sila dito it will be left to the interpretation of those who will be in the government at that particular juncture.” pahayag ni Fr. Secillano sa panayam sa Radio Veritas.

Ika-3 ng Hunyo ng inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang kontrobersyal na House Bill 6875 na layong amyendahan ang Human Security Act of 2007 sa botong 173- Yes, 31- No at 29-Abstentions.

Gayunpaman makalipas ang dalawang araw ika-5 ng Hunyo na huling araw ng sesyon ay itinama ng Kamara ang bilang ng boto sa 168-Yes, 36-No, at 29-Abstention kung saan ilang mga mambabatas ang nagpahayag ng pagnanais na bawiin ang kanilang mga boto sa panukalang batas.

Nauna ng nagpahayag ng pangamba ang iba’t-ibang sektor ng lipunan kaugnay sa mga kuwestiyunableng probisyon na nilalaman ng Anti-Terrorism Act of 2020.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,348 total views

 107,348 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,123 total views

 115,123 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,303 total views

 123,303 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,290 total views

 138,290 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,233 total views

 142,233 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 422 total views

 422 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 25,666 total views

 25,666 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 26,344 total views

 26,344 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top