Kalayaang tinatamasa ng mga Filipino, hindi dapat madungisan ng Anti-Terror Act of 2020

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 617 total reads

June 13, 2020, 4:14PM

Umaasa si Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na hindi madungisan ng isinusulong na Anti-Terror Act of 2020 ang kalayaan na matagal na ipinaglaban at pino-protektahan ng mamamayang Filipino.

Ito ang binigyang diin ni Bishop Bagaforo na siya ring Chairman ng CBCP NASSA – Caritas Philippines sa ika-122 taong paggunita ng Araw ng Kasarinlan ng bansa tuwing ika-12 ng Hunyo.

Ayon sa Obispo, magpahanggang sa ngayon ay patuloy pa ring ipinaglalaban ng mamamayang Filipino ang kalayaan na maaring madungisan ng isinusulong na Anti-Terror Act of 2020 na lumalabag sa Saligang Batas.

“Iyon ang ipinaglalaban yung ating kalayaan at sana ay “hindi madungisan yung ating pag-celebrate ng ating kalayaan dito sa gagawing Anti-Terror Act” na maraming mga provisions doon na labag sa ating values na ipinaglalaban para sa ating kalayaan…”pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na maraming probisyon na labag sa karapatang pantao at kalayaan sa pagpapahayag ang nakapaloob sa Anti-Terror Act of 2020 na lagda na lamang ng pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maging ganap na batas.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na mahalagang masuri ang mga nilalamang probisyon ng naturang panukalang batas.

“Sana hindi mangyari uli yung ganun at yun ang gusto nating iwasan at yun ang ating ipinaglalaban kontra sa maraming probisyon na maipasok sa Anti-Terror Act na maaring pirmahan ng ating Pangulo…”saad ni Bishop Bagaforo.

Naunang kinondena ng iba’t-ibang church institution at mga lider ng Simbahang Katolika ang kontrobersiyal na panukalang batas.

Read: https://www.veritas846.ph/understanding-the-anti-terrorism-act-of-2020/
https://www.veritas846.ph/paniniil-sa-kalayaan-ng-mga-filipino-hindi-na-dapat-maulit/
https://www.veritas846.ph/ipaglaban-ang-kalayaan-tutulan-ang-anti-terror-bill/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 37,254 total reads

 37,254 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 59,453 total reads

 59,453 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 95,953 total reads

 95,953 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 316,580 total reads

 316,580 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 349,067 total reads

 349,067 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top