Anti-Terrorism Act of 2020, hindi napapanahong isabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total reads

June 16, 2020, 2:40PM

Binigyang diin ng pinuno ng Military Diocese na dapat pansamantalang isantabi ang usapin ng Anti Terrorism Bill sapagkat hindi ito ang wastong panahon upang isabatas ito.

Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio, dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagtugon sa kahirapang nararanasan ng mga Filipino na dulot COVID-19 pandemic.

Sinabi ng Obispo na hinahanap ng tao ngayon ang pagkain, katiyakan sa kabuhayan gayundin ang lunas sa nakamamatay na COVID 19.

“As to the Anti-terror Bill: All I need to say is that in this time of pandemic where people are groping for food and sustainability and cure, I guess to my simple analysis is offbeat,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Matatandaang nilagdaan na ng kongreso ang anti terrorism act at hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte o kanya itong i-veto.

Umani ng maraming negatibong reaksyon mula sa iba’t-ibang grupo ang panukala dahil sa mga probisyon na hindi malinaw ang pagkakalahad at maituturing na malaking banta sa kaligtasan at karapatan ng mamamayan.

Iginiit naman ni Bishop Florencio na i-veto ng pangulo ang panukala at muling talakayin kung may lunas na ang COVID 19.

“If I were to suggest let us set this aside first and focus on the present pressing challenge the pandemic. And where there is a solution or cure already we come to discuss lengthily on the anti-terror bill,” dagdag pa ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 87,715 total reads

 87,715 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 181,745 total reads

 181,745 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 226,013 total reads

 226,013 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 249,122 total reads

 249,122 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 320,310 total reads

 320,310 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top