San Pedro at San Pablo: Sumasagisag sa pundasyon ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,438 total reads

June 30, 2020-12:10pm

Ito ang pagpapaalala sa mga mananampalataya sa Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo na ang simbahan mayroong matatag na pundasyon na siyang huwaran ng bawat mananamapalataya.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio kaugnay sa isa sa mahalagang kapistahan ng Simbahang Katolika na ipinagdiriwang din bilang Pope’s Day.

“Ito ay nagpapaalala sa atin na yung Simbahan natin ay mayroong dalawang solid na pillar, the pillar of Paul and pillar of Peter,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, si San Pedro ang simbolo ng otoridad ng Simbahan na siya ring hinirang ni Hesus upang pangunahan ang 12 apostol, habang ang Santo Papa naman ang kahalili ni San Pedro na tagapangalaga ng kawan ng Diyos.

Habang si San Pablo naman ay simbolo ng pagiging guro at paglapit maging sa mga hindi nananampalataya na nangangahulugan ng pagiging bukas at mapag-aruga ng Panginoon sa lahat na walang pinipili.

“For everyone, so ito po ay nagpapaalala sa atin na ito rin may kasamang mga charism kasi si San Pablo very a charismatic leader may charismatic ibig sabihin gift, dito ay nagko-compliment ngayon ang authority na nandito si San Pedro at saka yung charism nandito kay Pablo, ito ay nagko-compliment upang itong Simbahan natin ay lumago, upang itong Simbahan natin dito na tinatawag nating Panginoong Hesukristo ay magpanatili, ay magpatuloy upang mapalaganap ng Mabuting Balita,” ayon pa sa Obispo.

Hinimok naman ni Bishop Florencio ang bawat isa na ipanalangin ang Kanyang Kabanalan Francisco na humaharap sa maraming suliranin bukod pa sa Coronavirus Disease 2019 pandemic.

Paliwanag ng Obispo, tanging ang pananalangin para sa Santo Papa ang magagawa ng bawat isa upang suportahan ang kahalili ni San Pedro sa pangangalaga sa kawan ng Diyos.

“Ipagdasal din natin ang Holy Father, marami siyang higit pa sa COVID-19 ang kanyang hinaharap ngayon. May COVID-19 na pero higit pa sa COVID-19 ang pinapasan niya, ang magagawa natin is to pray.” Ayon pa kay Bishop Florencio.

Ang Pope’s Day ay ipinagdiriwang kasabay ng Kapistahan ni San Pedro at San Pablo.

Ito ay isang tradisyunal na pagdiriwang ng Simbahan bilang pagbibigay parangal kay San Pedro na itinalaga ni Hesus bilang unang Santo Papa ng Simbahang Katolika at kauna-unahang Obispo sa Roma na itinalaga ni Hesuskristo habang si Pablo naman ang namuno sa mga apostol.

Ito rin ay na pambihirang pagkakataon upang makapagpanibago ng patuloy na pangako ng pagsunod sa Santo Papa na isang daan upang maipaabot kay Hesus ang ating patuloy na pangako ng pananampalataya at paniniwala sa mabuting salita ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 24,181 total reads

 24,181 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 75,667 total reads

 75,667 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 123,538 total reads

 123,538 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 227,486 total reads

 227,486 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 312,326 total reads

 312,326 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top