Sumunod sa quarantine protocols, paaala sa mamamayan ng Cebu City

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total views

June 30, 2020-12:38pm

Umaasa ang Arkidiyosesis ng Cebu na makipagtulungan ang mamamayan ng Cebu City sa mga ipinatutupad na panuntunan ng pamahalaan hinggil sa laganap na corona virus sa lunsod.

Ayon kay Msgr. Joseph Tan, tagapagsalita ng arkidiyosesis dapat pairalin ng publiko ang disiplina upang maiwasan na madadagdagan ang mga kaso ng corona virus sa lunsod.

“We’re just hoping na in the part also sa public medyo mag-exercise tayo ng kaunting disiplina,” pahayag ni Msgr. Tan sa Radio Veritas.

Ito rin ang mensahe ng opisyal kaugnay sa naiulat at kumakalat na larawan sa Facebook kung saan nagsagawa ng pagtitipon ang Sitio Alumnus barangay Basak San Nicolas upang ipagdiwang ang kapistahan sa lugar.

Batay sa mga kuhang larawan bukod sa prusisyon nagsagawa rin ito ng Sinulog na isang malinaw na paglabag sa quarantine protocols sa ilalim ng enhanced community quarantine sa Cebu City.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Police Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, Director ng Central Visayas police, siyam na opisyal ng Barangay at limang indibidwal na nag-organisa sa pagtitipon ang lumabag sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at sa ordinansang nagbabawal sa malakihang pagtitipon bilang pag-iingat.

Sasampahan ng kasong kriminal ang mga sangkot na opisyal sa Cebu City prosecutor’s office sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group habang hiwalay na kasong administratibo naman ang isasampa ng DILG sa kapitan at walong kagawad ng barangay.

Tiniyak naman ni Msgr. Tan na sinisikap ng mga Cebuano na sundin ang mga panuntunang ipinatutupad ng Inter Agency Task Force at Department of Health bilang pag-iingat na madagdagan ang limang libong kaso ng COVID-19 sa lunsod.

Patuloy namang pinaalalahanan ng arkidiyosesis ang mananampalataya na maging maingat upang hindi makahawa at hindi mahawaan ng nakamamatay na corona virus.

“We should be reminded; we will do everything to follow protocol ng IATF at ng DOH para hindi tayo makapag-infect ng ibang tao at hind rin tayo magkasakit,” dagdag pa ni Msgr. Tan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 67,757 total views

 67,757 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 111,365 total views

 111,365 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 194,248 total views

 194,248 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 206,256 total views

 206,256 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top