Caritas Manila, binuksan ang YSLEP sa mga biktima ng COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 982 total views

July 1, 2020, 12:41PM

Bukod sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap na komunidad dulot ng banta ng novel coronavirus, naghahanda na rin ang Caritas Manila para sa pagbubukas ng eskwela ngayong Agosto.

Ayon kay Fr. Anton CT. Pascual, executive director ng Caritas Manila, mula sa 5-libong college scholars ay tumatanggap na rin sila ng mga bagong iskolar ng simbahan sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP).

Kabilang na ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng krisis na dulot ng pandemic novel coronavirus.

“Kaya ang ating scholarship program na halos 5,000 ay sinisimulan natin, at kumukuha na din tayo ng bagong scholars na mga biktima ng Covid-19: Mga walang trabaho ang magulang. At the same time, pinag-aaralan din natin ng husto on how to help the poor help themselves,” ayon kay Fr. Pascual.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay umaabot sa 17-porsiyento ang unemployment rate ng bansa mula sa dating 5-porsyento noong nakalipas na taon.

Sa nasabing tala, ito ay karagdagang 5-milyon katao ang walang trabaho.

Sa buwan lamang ng Abril may 7.3-milyong manggagawa ang walang trabaho kasunod na rin ng nararanasang krisis dahil sa Covid-19.

Unang inihayag ni Fr. Pascual na bukod sa pamamahagi ng tulong sa urban poor communities, pinaghahandaan din ng Caritas Manila ang pagbibigay ng livelihood training sa mga mahihirap na komunidad upang magkaroon ng source of income.

Sa kasalukuyan dahil sa isinusulong na distance learning ng Department of Education (DepEd) ay umaabot lamang sa 15.9-milyon ang enrollment turn-out ng mga estudyante mula sa pribado at pampublikong paaralan para sa K-12.

Ang target ng DepEd na student enrollee sa pagbubukas ng klase sa Agosto ay 28-milyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 153,308 total views

 153,308 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 183,531 total views

 183,531 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 210,177 total views

 210,177 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 305,150 total views

 305,150 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 316,168 total views

 316,168 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top