Bagong Obispo ng Apostolic Vicariate of Jolo, pormal na itatalaga sa isang simpleng installation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 602 total views

July 13, 2020, 2:13PM

Pormal nang itatalaga bilang bagong Obispo ng Apostolic Vicariate of Jolo si Bishop Charlie Inzon, OMI.

Ayon sa Obispo, nakatakda ang kanyang installation sa ika-16 ng Hulyo kasabay ng Kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel na siyang patron ng Apostolic Vicariate of Jolo.

Ibinahagi ni Bishop Inzon sa Radio Veritas na tulad ng kanyang naging Episcopal Ordination ay magiging simple lamang ang installation bagamat mas marami na ang maaring makibahagi sa gagawing banal na pagdiriwang.

Ito ay dahil nasa Modified General Community Quarantine ang Jolo at maaring makadalo ang 50-porsyento ng kapasidad ng Our Lady of Mount Carmel Cathedral o Jolo Cathedral kung saan gagawin ang installation.

“Simple lang naman kagaya nung aking consecration as Bishop sampu lang diba, ngayon dahil sa Modified (General Community Quarantine) na 50% po ng capacity ng Cathedral yung pwede…” pahayag ni Bishop Inzon sa panayam sa Radyo Veritas.

Binigyang diin ng Obispo na hindi mahalaga ang magarbong pagdiriwang lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa na nahaharap sa banta ng Coronavirus Disease 2019 pandemic.

Nilinaw ng Obispo na ang pinakamahalaga ay ang masunod ang mga ritwal kabilang na ang ritual of acceptance at ritual of reception of the new Bishop upang ganap na niyang magampanan ang kanyang tungkulin bilang punong pastol ng Apostolic Vicariate of Jolo.

Inaasahan naman ang pakikibahagi ng mga Oblates of Mary Immaculate (OMI) Bishops sa nakatakdang installation ni Bishop Inzon.

“Nag-invite ng mga Oblates of Mary Immaculate (OMI) Bishops din yung sasama sa akin siguro isa o dalawa tama na kasi diba alam naman natin yung sitwasyon ngayon ang importante yung mga ritual, masunod yung mga ritual of acceptance, of reception of the new Bishop yun ang mas mahalaga sa akin para tuloy-tuloy na yung ating pag-serve, ang tagal din kasing hinintay yung bagong Obispo ng Vicariate so syempre yung mga tao excited na meron na silang bagong Obispo yun yung ina-anticipate na masaya…” Dagdag pa ni Bishop Inzon.

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang 54-na taong gulang na si Bishop Inzon noong ika-4 ng Abril bilang ika-anim na Obispo ng Jolo kahalili ni Cotabato Archbishop Angelito Lampon, OMI, DD na naitalaga naman sa Archdiocese of Cotabato noong 2018.

Inordinahang Pari si Inzon noong ika-24 ng Abril taong 1993 sa Caloocan City at Obispo naman noong ika-21 ng Mayo taong kasalukuyan na pinangunahan ni Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo,OMI, DD at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, DD.

Ang Apostolic Vicariate of Jolo ay nakasasakop sa probinsya ng Sulu at Tawi-Tawi na may tinatayang aabot sa higit 29,500 mga mananampalatayang Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 57,917 total views

 57,917 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 85,922 total views

 85,922 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 103,722 total views

 103,722 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 101,286 total views

 101,286 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 209,406 total views

 209,406 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 3,654 total views

 3,654 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top