Good Samaritan’s, inaanyayahan na makibahagi sa YSLEP special telethon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 569 total reads

July 13, 2020, 11:19AM

Paiigtingin ng Caritas Manila ang pagtugon sa kahirapan sa bansa lalo na ngayong nahaharap sa krisis na dulot ng corona virus pandemic.

Bukod sa pagtugon ng social arm ng Archdiocese of Manila sa pangangailangan ng mahihirap na apektado ng pandemya, muling palalakasin ng institution ang edukasyon na isang mahalagang susi upang tuluyang makaahon sa kahirapan ang mamamayan.

Dahil dito, inaanyayahan ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila ang mamamayan na suportahan ang isasagawang telethon para pondohan ang programang pang edukasyon ng simbahang katolika.

“Nawa ating tangkilikin ang [Youth Servant Leadership and Education Program] YSLEP ng Caritas Manila; magkakaroon po ng special telethon upang makalikom ng pondo para sa mga kabataan na ating pinag-aaral,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Iginiit ng pari na isa ang edukasyon sa pinakahamahalagang sangkap upang makaahon sa kahirapan ang bawat mamamayan kaya’t nararapat lamang ito bigyang pansin.

Pagbabahagi ni Fr. Pascual na tinatayang nasa 4, 300 ang bilang ng mga scholar sa buong Pilipinas na kinabibilangan hindi lamang ng mga katoliko kundi maging ng mga Muslim at katutubo.

“Kung gusto natin makaahon sa kahirapan mag-aral tayo; sapagkat naniniwala tayong education is the great social equalizer,” dagdag pa ni Fr. Pascual.

Gaganapin ang YSLEP special telethon sa ika – 16 ng Hulyo na mapakikinggan sa Radio Veritas 846 mula ikaanim ng umaga hanggang ikaanim ng gabi at matutunghayan sa Veritas846.ph Facebook page.

Sa mga nais magbahagi ng kanilang financial assistance sa mga scholar ng Caritas Manila, maari lamang tumawag sa 8925-7931 hanggang 39 o mag-text sa 09188374827 o 0918-VERITAS.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,260 total reads

 21,260 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,046 total reads

 58,046 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,316 total reads

 284,316 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 177,783 total reads

 177,783 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,670 total reads

 270,670 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top