Flexible learning ng mga mag-aaral, pinaghahandaan ng Diocese of Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 792 total reads

July 12, 2020, 12:18PM

Inihayag ng Obispo ng Diocese of Imus ang ginagawang pagsusuri at paghahanda ng diyosesis para sa flexible learning ng mga mag-aaral sa mga Catholic schools ng diyosesis sa gitna ng patuloy na banta ng Coronavirus Disease pandemic sa bansa.

Ayon kay Imus Bishop Reynaldo Evangelista,chairman ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, pinag-aaralan na din ng pamunuan ng mga Katolikong paaralan sa diyosesis ang kapasidad ng bawat pamilya na makasabay sa inaasahang mga pagbabagong ipatutupad sa sistema ng edukasyon.

Paliwanag ng Obispo, kabilang sa mga sinusuri ay ang pagkakaroon ng naaangkop na gadget, internet connection at sitwasyon o kalagayan sa buhay na dapat ikinukonsidera upang maging patas sa lahat ng mag-aaral ang ipatutupad na sistema ng edukasyon sa lahat ng Catholic schools at maging congregation schools sa diyosesis.

Sinabi ni Bishop Evangelista na maari ding maglagay ang diyosesis ng kakailanganin ng mga estudyante sa mismong mga parokya o parish halls upang matulungan ang mga mag-aaral na hindi masayang ang kanilang panahon upang makapag-aral.

“Dito sa amin sa diocese yung aming mga Catholic schools and even yung mga congregation schools ay may tinatawag na flexible learning at yun ay inihahanda namin at inaaral na rin gaya ng sinasabi din ng DepEd kung ano yung capacity nung mga pamilya, yung estudyante kung may connection bang internet sa bahay at kung ano pa mang mga dapat na i-consider at kung kinakailangang dalhan ng mga materials for sa isang parish church o sa parish hall at maraming paraan para matulungan ang mga bata para hindi masayang ang panahon para mag-aral…”paglilinaw ni Bishop Evangelista sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang sinuspendi ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes ng mga mag-aaral kung saan inaasahan ang pagpapatupad ng distance learning approach simula sa ika-24 ng Agosto upang matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan sa COVID-19.

Batay sa tala ng DepEd noong ika-30 ng Hunyo, umabot sa 15,907,786 na mga mag-aaral ang nagpatala para sa school year 2020-2021 kung saan sa bilang na ito mahigit 670-libo ang nagpatala sa mga pribadong paaralan.

Mas mababa ito kumpara sa bilang na 27-milyong estudyante mula kindergarden hanggang Grade 12 noong nakalipas na taon.

Sa tala ng catholic Directory of the Philippines ang Diocese of Imus ay mayroong 2 seminaryo at 80 educational centers na kinabibilangan ng kindergarten, Grade schools, high schools, vocational, colleges at universities.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 1,964 total reads

 1,964 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 39,345 total reads

 39,345 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 70,616 total reads

 70,616 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 148,079 total reads

 148,079 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 242,204 total reads

 242,204 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,992 total reads

 22,992 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top