BISHOP TEODORO BACANI, PHOTOS FROM RCAM-AOC

Humble President Duterte, nais makita ng sambayanang Filipino sa SONA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 606 total reads

July 24, 2020, 11:56AM

Umaasa ang obispo ng simbahang katolika na isang Pangulong Rodrigo Duterte na bilang lingkod ng bayan ang haharap sa publiko para sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, ika-27 ng Hulyo.

Inihayag ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. na bilang lingkod ng sambayanan ay nawa ihayag ng Pangulong Duterte ang tunay na kalagayan ng bansa lalu na ngayong pandemya.

“Huwag magpapakita ng dictatorial tendencies. At Harinawa, ay walang mura. Narinig ko si President Duterte noon, dinig na dinig ko sabi niya, ‘I have been humbled by this virus.’ Iyon ang gusto kong makita. Isang humble president na nagsasalita sa kanyang bayan bilang lingkod sa mga mamamayan, at hindi parang amo ng mga mamamayan,” ayon kay Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.

Hangad din ng obispo na mailahad ng pamahalaan ang mga programa upang tugunan ang kasalukuyang krisis at kung paano ibabangon ang bansa bilang isang bayan na nagkakaisa.

“Mga realistic measures para sa ganoon, ay makabangon tayo muli bilang isang bayan na nagkakaisa, hindi nagkakawatak-watak, at hindi winawatak-watak ng mga namumuno,” ayon kay Bishop BAcani.

Sa kabila nito, may agam-agam pa rin ang obispo na kabilang sa magiging talumpati ng pangulong Duterte ang pagpapatupad ng Anti-terrorism Law sa kabila ng kawalan ng implementing rules and regulations (IRR).

“Ano’ng inaasahan at kinatatakutan? Ang inaasahan ko’ng marinig sa lunes, sapagkat State of the Nation Address iyan, ay dapat naman talagang isiwalat ano ang kalagayan natin sa bansa? Iyong TOTOO. Walang palabok. Sabihin talaga kung ano ang nangyayari sa bansa, iyon ang inaasahan ko. Ikalawa, ang ikinatatakot ko na sabihin niya ay kung sasabihin ipaiiral na ang Terrorism Law kahit wala pang mga implementing rules and regulations.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Una na ring nagpahayag ng pagtutol ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pagpapatupad ng anti-terror law na sa ngayon ay may 13-petisyon nang isinumite sa Korte Suprema na kumukwestiyon sa legalidad ng batas.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 12,616 total reads

 12,616 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 156,429 total reads

 156,429 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 191,107 total reads

 191,107 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 208,346 total reads

 208,346 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 244,832 total reads

 244,832 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 253,942 total reads

 253,942 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top