CBCP-NASSA, nagpahayag ng pagbati sa mga Muslim

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 747 total views

July 31, 2020, 3:04PM

Nagpaabot ng pagbati ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – National Secretariat for Social Action (NASSA) / Caritas Philippines sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Chairperson ng social arm ng CBCP na nawa ay maging isang ganap na huwaran sa buhay ng bawat Filipinong Muslim ang halimbawa ng propetang si Ibrahim na inialay ang kanyang anak bilang pagsunod sa utos ng makapangyarihang Diyos na si Allah.

Inaasahan ng Obispo na tulad ni Ibrahim ay gayundin ang ipamalas ng bawat isa na pag-aalay ng kabutihan, panahon at maging ng sarili sa pang-araw araw na pakikipagtungo sa kapwa.

“Sa ating mga kapatid na Islam ‘As-Salaam-Alaikum’, maligayang pagdiriwang ng inyong kapistahan ng Eid’l Adha nawa ay ang naging halimbawa ng ating propetang si Abraham na kung saan ay nag-alay siya ng kanyang anak sa pagsunod sa utos at kagustuhan ng ating makapangyarihang Diyos na si Allah.Ganun din ang ating magiging buhay, ganun din ang ating ipamalas sa ating araw-araw na pakikipagtungo sa ating kapwa”, pahayag ni Bishop sa panayam sa Radyo Veritas.

Nag-alay rin ng panalangin ang Obispo para sa lahat ng mga Muslim sa bansa upang magkaroon na ng ganap na katahimikan ang kanilang buhay at patuloy na basbsan ni Allah.

Hinikayat rin ni Bishop Bagaforo ang iba pang mga mananampalatayang Katoliko na gamitin ang pagkakataong ito upang maipamalas sa ating mga kapatid na Muslim ang panawagan at isinusulong ng Simbahang Katolika na pakikipag-ugnayan at pakikipagkapatiran sa kabila ng pagkakaiba sa paniniwala at pananampalataya.

Paliwanag ng Obispo, isa itong magandang pagkakataon lalo na’t patuloy na ginugunita ng Simbahang Katolika ang Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People bilang patuloy na paghahanda para sa ika-500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas.

Tema ng Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples ang “Dialogue Towards Harmony” na naglalayong maisulong ng pakikipagkapatiran sa pamamagitan ng pagsusulong ng kultura ng pakikipag-ugnayan tungo sa pangkabuuang kapayapaan.

Nasasaad sa Presidential Proclamation No. 985 ang deklarasyon ng regular holiday sa buong bansa sa ika-31 ng Hulyo bilang paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim.

Ang Eid’l Adha ay isa sa mga pinakamahalagang Islamikong pagdiriwang na hudyat ng pagtatapos ng taunang Hajj o ang banal na paglalakbay papunta sa Mecca.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 22,849 total views

 22,849 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 73,533 total views

 73,533 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 79,662 total views

 79,662 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 109,045 total views

 109,045 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 126,544 total views

 126,544 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top