Dalawang pari ng Archdiocese ng Caceres, nagpositibo sa Covid-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 672 total reads

August 6, 2020-12:40pm

Dalawang pari ng Archdiocese ng Nueva Caceres ang nagpositibo sa novel coronavirus.

Ito ang kinumpirma ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa inilabas ng circular letter kasabay na rin ng kautusan na pagpapaliban ng Pagsungko ni Ina sa buong arkidiyosesis.

“It is unfortunate to inform you that two of our brother-priests were tested positive for Covid-19. One is infected due to the activity of “pagsungko” around the parish. For this reason we suspend all “Pagsungko ni Ina” within the Archdiocese in order to safeguard and protect the faithful from the spread of Covid-19. You are enjoined to follow this directive,” ayon sa inilabas na circular ni Archbishop Tirona.

Image may contain: text

Ang Pagsungko ni Ina ay ang tradisyon na pagbisita ng imahe ng Peñafrancia sa mga parokya bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia sa Setyembre.

Hiling din ng arsobispo sa lahat ng mga pari na pangunahan ang tungkulin na pagpapaalala sa lahat ng mananampalataya hinggil sa pagpapatupad ng health protocols para sa kaligtasan ng bawat isa.

Dulot na rin ng patuloy na banta ng novel coronavirus una na ring sinuspinde ng archdiocese ang pagsasagawa ng fluvial procession at traslacion ng mahal na birhen ng peñafrancia na isang kilalang tradisyon sa bicol.

Sa Setyembre, ipagdiriwang ng mga Bicolano ang ika-310 taon ng kapistahan ng Our Lady of Penafrancia at ang ika-138 taong debosyon sa divino rostro sa pamamagitan ng pagsubaybay sa social media.

Sa Diocese ng Kalookan, bukod kay Kalookan Bishop-emeritus Deogracias Iniguez, dalawang pari rin ang nagpositibo sa virus bukod pa sa ilang mga seminarista na nahawaan ng Covid-19.

Si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo naman ang kauna-unahang opisyal ng simbahan ang nahawa at gumaling mula sa novel coronavirus.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 15,506 total reads

 15,506 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 74,346 total reads

 74,346 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 159,713 total reads

 159,713 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 206,449 total reads

 206,449 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 254,320 total reads

 254,320 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 354,649 total reads

 354,649 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top