Diyosesis at Arkidiyosesis sa Pilipinas, hinimok na maging “Confradias de San Roque

SHARE THE TRUTH

 145 total views

August 17, 2020

Hinimok ng Diyosesis ng Kalookan ang mga diyosesis sa buong bansa na makipagkaisa sa kanilang hangaring muling buhayin ang “Cofradias de San Roque” o ang grupo ng mga namimintuho kay San Roque ang tinaguriang patron laban sa mga salot at peste.

Sa pahayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, acting President ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa kapistahan ni San Roque, ang patron ng diyosesis, sinabi nitong mahalagang makibahagi ang bawat isa sa pagtugon sa pangangailangan ng kapwa lalo ngayong panahon ng krisis pangkalusugan tulad ng Corporate Social Responsibillity o CSR ng mga kumpanya.

Ipinaliwanag ni Bishop David, sa panig ng simbahan maari ding ipatupad ang CSR o ang COVID Special Response sa tulong ng mga deboto ni San Roque na maging bahagi sa volunteer works ng simbahan lalo na sa mga quarantine facilities.

“On the feast day of San Roque, I wish to call on young people in all dioceses, especially in parishes named after San Roque, to help us revive the “Cofradias de San Roque” by volunteering to serve as “Health Care Volunteers” to back up our health care workers, especially in quarantine facilities,” bahagi ng panawagan ni Bishop David.

Inihayag ng Obispo na sa pamamagitan ng “Cofradias de San Roque” ay maaaring magtulungan na pangalagaan ang kalusugan hindi lamang ng mga nagpositibo sa corona virus sa mga ospital kundi pati na rin ang mga nasa iba’t ibang quarantine facilities.

Dagdag pa ng obispo na ang CSR ng simbahang katolika ay maaring makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at ng barangay upang makiisa sa monitoring sa mga indibidwal na may sintomas ng virus at ang mga assymptomatic.

“For the moment we are mobilizing volunteers who can do mainly the online monitoring of covid positives because we understand the risk of exposing them to infection if we deploy them to do physical monitoring. The ones we will mobilize for face-to-face monitoring are probably former covid positives who have recovered already and have natural antibodies to fight a reinfection,” dagdag pa ng obispo.

Tiniyak ng Obispo na bukas din ang diyosesis sa mga asymptomatic COVID positive na maging volunteer ngunit isasagawa online ang orientation kung paano makatutulong sa kawanggawa ng simbahan sa mga quarantine facilities.

Ang mga volunteers ay sasailalim sa pagsasanay sa tulong ng city at municipal health officers upang matiyak na sila ay pormal na bahagi ng volunteer work ng lipunan sa pagsugpo ng COVID-19 infections sa mamamayan.
Bawat volunteer ay itatalaga depende sa kakayahan at kapasidad sa ilang pasyenteng babantayan at magbibigay ng kanilang progress report araw-araw sa nakatalagang accredited health officer at maging sa mga doktor upang mapabilis ang proseso kung kinakailangan ng isang pasyente na dadalhin na sa pagamutan.

“They too can help the attending physician in determining whether or not the patient needs to be brought already to a hospital facility. The idea is to keep as few patients as possible from having to be brought to the hospital so that the hospitals don’t get overwhelmed,” ayon pa ni Bishop David.

Ang mga magiging bahagi ng kawanggawang ito ng simbahan ay bubuuin bilang isang cell group na may lima hanggang pitong kasapi habang ang cell group ay ibibilang sa clusters na ibibilang naman sa chapters hanggang magiging council sa pangkabuuan at magkakaroon ng lingguhang lectio divina (Bible Prayer Meeting) na tatawaging “Virtual Ecclesial Communities” upang mas mapagtibay ang samahan sa gabay ng mga Salita ng Diyos.

Matutukoy ang mga CSR volunteers ng simbahan sa pamamagitan ng emblem na matatagpuan sa San Roque Scapulars o sa medalyon ng santo o sa mga damit na ipamamahagi matapos manumpa sa Cofradia Council of Elders na mangangasiwa sa programa at maging katuwang ng lokal na pamahalaan at mga barangay.

Dahil dito nanawagan si Bishop David sa social arm ng simbahan at maging sa mga telecommunication companies na makiisa sa programa upang makatulong sa pagsugpo ng lumaganap na virus.

“I wish our Caritas, in partnership with Globe, Smart, and others Telcos, can assist these volunteers by providing inexpensive or free wifi and cellular data collectively in quarantine facilities and individually for accredited volunteers in order to facilitate efficient online communications with quarantined Covid positive patients,” pahayag ni Bishop David.

Malugod na inaanyayahan ng obispo ang mamamayan partikular ang mga kabataan ng diyosesis na makilahok sa programa at mangyaring makipag-ugnayan sa official facebook page ng diyosesis sa Roman Catholic Diocese of Kalookan, ipadala lamang ang kompletong pangalan, edad, educational attainment, civil status, parokya, at barangay at lunsod na kinabibilangan.

“Any other Parish priest or Diocesan bishop who might be interested in organizing their own CSR can simply copy and paste this in their own parish or diocesan page, with slight revisions according to your own circumstances,” giit ni Bishop David.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 40,588 total views

 40,588 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 46,006 total views

 46,006 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 52,713 total views

 52,713 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 67,507 total views

 67,507 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 73,663 total views

 73,663 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

CBCP, pinuri ang Civilian-led mission sa WPS

 69 total views

 69 total views Nanindigan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mas mainam na paraan ang pagkakaisa ng mga ordinaryong Pilipino sa West Philippine Sea sa halip na paigtingin ang armadong pwersa ng bansa. Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virglio David ang pagpapakita ng mga sibilyang Pilipino sa pagmamalasakit sa karagatan ng WPS

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Apat na Filipino Bishops sa US, dadalo; Ikalimang Filipinong Obispo sa Amerika, oordinahan sa May 31

 434 total views

 434 total views Pupusan na ang paghahanda ng Diocese of Sacramento kasama ang Filipino communities sa California para sa nalalapit na ordinasyon bilang obispo ni Bishop-elect Rey Bersabal sa May 31. Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston kamakailan ay nakipagkita ito sa bagong halal na katuwang na obispo ng Sacramento kung saan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divorce, labag sa batas ng simbahan

 500 total views

 500 total views Naniniwala si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas mapagtibay ang pamayanang nakaugat sa pag-ibig, habag at paggalang sa sakramento ng pag-iisang dibdib. Ito ang mensahe ng obispo kasunod ng pag-usad ng House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act sa mababang kapulungan kung saan inaprubahan ito ng mga mambabatas sa pamamagitan ng viva

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paigtingin ang pananalangin ng santo rosary, paanyaya ng simbahan sa mamamayan

 1,224 total views

 1,224 total views Hinimok ng pamunuan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Urduja, Caloocan City ang mamamayan na paigtingin ang pananalangin lalo ng Santo Rosaryo. Ayon kay Shrine Rector at Parish Priest Fr. Aristeo De Leon, sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo mahalagang maisabuhay ang panawagan ng Mahal na Ina nang magpakita

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Polisiya sa pagtanggap sa dayuhang estudyante, pinahihigpitan ng isang mambabatas

 1,247 total views

 1,247 total views Iginiit ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na dapat higpitan ng pamahalaan ang mga polisiya sa pagtanggap ng mga dayuhang estudyante sa bansa. Sa panayam ng programang Veritas Pilipina, sinabi ni Castro na dapat suriing mabuti ang mga dokumentong isinusumite ng mga dayuhang pumapasok sa Pilipinas upang matiyak ang kanilang dahilan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

AI, mapanganib kung gagamitin sa mis-communications

 2,905 total views

 2,905 total views Inihayag ng opisyal ng Archdiocese of Manila Office of Communications na kinilala simbahan ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa lipunan. Ayon kay Radio Veritas Vice President, AOC Director Fr. Roy Bellen, biyaya ng Panginoon ang mga pag-unlad tulad ng ‘artificial intelligence’ na maaring gamitin ng simbahan sa pagpapaigting ng ebanghelisasyon gamit ang media.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Ipakilala, ipakita at ipagmalaki ang Mahal na Ina.

 5,433 total views

 5,433 total views Ito ang mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa nalalapit na Pontifical coronation ng Nuestra Señora de Fatima de Marikina sa May 12 kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day. Ayon kay Bishop Santos, isang natatanging huwaran ang Mahal na Birhen sa kanyang kababaang loob na sumunod sa kalooban na maging ina ni Hesus.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pastoral at spiritual enhancement ng mga kawani ng security forces ng bansa, tiniyak ng MOP

 6,034 total views

 6,034 total views Tiniyak ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagpapalago sa espiritwalidad ng mga kawani ng security forces ng bansa. Ito ang mensahe ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio kasunod ng paggawad ng sakramento ng kumpil sa 38 inidbidwal sa National Headquarters ng Bureau of Fire Protection sa Quezon City. Sinabi ng obispo na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahang mag-pilgrimage sa Antipolo cathedral

 4,079 total views

 4,079 total views Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na makiisa sa pilgrimage season ngayong buwan ng Mayo sa pagbisita sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Ayon sa obispo magandang pagkakataon na makibahagi ang kristiyanong pamayanan sa mayamang kultura at tradisyon ng diyosesis kung saan sinimulan

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Obispo, nagbabala sa publiko kaugnay sa A.I.

 6,526 total views

 6,526 total views Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan higgil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Artificial Intelligence. Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication tulad ng mga modernong bagay maraming magagandang maidudulot ang paggamit ng A.I dahil pinabibilis

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Santo Papa Francisco sa mga Kura Paroko: Itaguyod ang misyon at simbahang sinodal

 6,612 total views

 6,612 total views Pinaalalahanan ng Papa Francisco ang mga kura paroko sa natatanging gawain na maging tagapastol sa bawat binyagan tungo sa iisang misyong ipalaganap ang Mabuting Balita sa sanlibutan. Sa ginanap na International Meeting “Parish Priests for the Synod” sa Roma kinilala ng santo papa ang malaking gampanin ng mga kura paroko upang itaguyod ang

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pinakabatang Arsobispo ng Pilipinas, iniluklok bilang pinuno ng Archdiocese ng Caceres

 7,112 total views

 7,112 total views Humiling ng panalangin si Archbishop Rex Andrew Alarcon kasunod ng pagluklok bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Caceres sa Bicol region. Sinabi ng arsobispo na mahalaga ang mga panalangin ng mamamayan upang manatiling gabay ang Panginoon sa kanyang pagpapastol sa mahigit isang milyong kawan na ipinagkatiwala ng simbahan sa kanyang pangangalaga. Ito ayon

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga bagong katungkulan sa Archdiocese of Manila, isinapubliko

 12,965 total views

 12,965 total views Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang pari sa kanilang bagong katungkulan sa mga parokya, mission stations at institusyon ng Archdiocese of Manila. Kabilang sa mga nagkaroon ng pagbabago ang pamunuan ng San Carlos Seminary kung saan itinalagang Rector si Fr. Rolando Garcia Jr. habang Vice Rector, Procurator at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakahirang sa ika-5 Pilipinong Obispo sa US, ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro

 13,487 total views

 13,487 total views Ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pagtalaga ng Papa Francisco kay Filipino priest Fr. Reynaldo Bersabal bilang Auxiliary bishop ng Diocese of Sacramento. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, ito ay palatandaang patuloy ang paglago ng kristiyanismo sa Pilipinas sapagkat nakapagbahagi ng mga misyonerong Pilipino sa ibayong dagat. “We praise and thank

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top