Pagpayag ng Korte Suprema na maging testigo si Veloso laban sa mga recruiter, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,992 total reads

August 17, 2020

Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang paninindigan ng Korte Suprema na pahintulutan ang OFW death row prisoner sa Indonesia na si Mary Jane Veloso na tumestigo laban sa kaniyang mga recruiters.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos – Vice Chairman ng kumisyon at Pangulo ng International Catholic Migration Commission (ICMC) – Asia-Ocenia Working Group, naaangkop lamang ang desisyong ito ng kataas-taasang hukuman.

Sinabi ni Bishop Santos na mahalaga ang magiging testimonya ni Veloso upang marinig ang kanyang panig laban sa kaniyang mga recruiters na sina Cristina Sergio at Julius Lacanilao.

“It is with great relief that SC in finality decides and upholds MJ to testify against her illegal recruiters: Cristina Sergio and Julius Lacanilao. Barring her to testify against them is to deny MJ due process. It is just and right on constitutional grounds and procedural rules that MJ testify.”pahayag ni Bishop Santos sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Obispo na malaking bagay ang paninindigan ng Korte Suprema na mabigyan ng patas na pagkakataon si Veloso na maipagtanggol ang kanyang sarili sa harapan ng hukuman sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanya upang magpahayag ng testimonya.

Sinabi ni Bishop Santos na bagamat naantala ng ilang taon na mabigyang katarungan ang sinapit ni Veloso ay nabigyan ito ng pagkakataong mapawalang sala.

“Justice has been delayed. It should never be denied. Justice should be served and MJ be vindicated. She was victimized, unwillingly and unknowingly used.” Dagdag pa ni Bishop Santos

Hinikayat naman ni Bishop Santos si Mary Jane Veloso at ang kanyang pamilya na patuloy na manalig at magtiwala sa biyaya at plano ng Panginoon.

Tiniyak rin ng Obispo ang patuloy na pakikiisa at pananalangin ng Simbahan hanggang sa makamit ni Mary Jane ang katarungan at kalayaan at muling makabalik sa kanyang normal na buhay kasama ang kanyang pamilya sa Pilipinas.

“MJ has suffered so much, too long. She has shown through the years her patience and perseverance for justice. We, at CBCP ECMI, urge MJ and her family to hold on to God, trust God all the more. We are with her, praying to God on her behalf and for her rights and justice.” Apela ni Bishop Santos.

Sa kasalukuyan ay nananatili pa ring nakakulong sa Indonesia si Mary Jane Veloso matapos na mahulihan sa Yogyakarta, Indonesia ng 2.6 na kilo ng illegal na droga na nagkakahalaga ng 500,000-dolyar noong 2010.

Taong 2015, bago ang nakatakdang pagbitay ay nabigyan si Veloso ng “reprieve” at pansamantalang ipinagpaliban ang pagpapataw ng death penalty upang bigyang daan ang paglilitis sa kasong inihain sa Pilipinas laban sa sinasabing illegal recruiters na sina Maria Christina Sergio at live-in partner nitong si Julius Lacanilao.

Sa pinakabagong resolusyon na inilabas ng Korte Suprema ay binasura nito ang motion for reconsideration na inihain ng panig ni Sergio at Lacanilao at pinagtibay ang nauna ng desisyon ng Korte Suprema noong October 2019 na nagpapahintulot kay Mary Jane Veloso na tumestigo sa kasong human trafficking, illegal recruitment, at estafa.

Ayon sa Kataas-taasang Hukuman ang hindi pagpapahintulot kay Veloso na tumestigo ay maituturing na paglabag sa kanyang katapatan at pagkakait ng due process upang makamit ang katarungang kanyang hinahangad.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 52,919 total reads

 52,919 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 103,167 total reads

 103,167 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 223,747 total reads

 223,747 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 274,104 total reads

 274,104 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 399,160 total reads

 399,160 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top