Arkidiyosesis ng Pampanga, tiniyak ang mahigpit na pagpapairal ng health protocols sa mga simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 998 total views

August 20, 2020-2:20pm

Tiniyak ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga ang mahigpit na pagsunod sa ipinatutupad na safety health protocols bilang pag-iingat mula sa pandemic novel coronavirus.

Sa inilabas na direktiba ni San Fernando Archbishop Florentino Lavarias ay iginiit ng Arsobispo ang pagsunod sa pagpapatupad ng mga safety health standards sa lahat ng mga parokya at institusyon ng Simbahan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa mula sa COVID-19.

Kabilang sa mga safety health protocols na ipinatutupad ng arkidiyosesis ay ang pagsusuot ng face masks, face shield, physical distancing, madalas na disinfection sa simbahan matapos ang pagsasagawa ng banal na misa, pagsusuri sa temperatura at ang paghuhugas ng kamay gamit o kaya naman ay paggamit ng alcohol.

Bukod pa rito ang pagtatala ng mga dumadalo sa misa sa logbook na maaring gamitin para sa contract tracing.

Ayon sa Arsobispo, ipinapaalala rin na huwag munang dumalo sa Parokya kung may karamdaman, maging ang mga senior citizen at mga batang wala pa sa edad na 21.

Sa halip ay pansamatala munang makibahagi sa misa sa pamamagitan ng radio, telebisyon at sa internet.

Sa huli pinaalalahanan rin ng Arsobispo ang bawat mananamapalataya na patuloy na manalangin ng Oratio Imperata at ipanalangin ang pamamagitan ng Virgen de los Remedios na kilala rin bilang ‘Indu ning Kapaldanan’ na siyang pintakasi ng lalawigan upang ipag-adya ang bawat isa mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Sa Pampanga umiiral ang Modified General Community Quarantine (MGCQ) kung saan pinapayagan ang pagdalo ng publiko ng hanggang sa sampung porsiyento ng kapasidad ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 148,598 total views

 148,598 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 178,822 total views

 178,822 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 205,468 total views

 205,468 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 300,441 total views

 300,441 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 311,749 total views

 311,749 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top