Pakikinig sa ‘Salita ng Diyos’, mahalaga sa panahon ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,088 total reads

August 25, 2020-1:20pm

Mahalaga ang pagkapit sa pananampalataya upang manatili ang pag-asa sa buhay.

Ito ang binigyan diin ni Fr. Anton CT Pascual-executive secretary ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas kaugnay na rin sa patuloy na banta ng pandemya hindi lamang sa kabuhayan ng mamamayan maging sa kanilang mental at spiritual health.

“Mahalaga ang buhay-pananampalataya. Ang binigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng takot, kung hindi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at tamang pagpasya. Kaya mahalaga ang word of God, ang ating prayers,” ayon kay Fr. Pascual.

Giit pa ng pari, mahalaga na tuwina ay marinig ng mananampalataya ang Salita ng Diyos na nagsisilbing kanilang kalakasan sa kabila ng mga suliranin na dulot ng pandemya.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nasa ilalim ng iba’t ibang antas ng community quarantine ang publiko kung saan nanatiling limitado ang paglabas ng bahay. Gayundin ang pagdalo sa mga misa sa mga parokya.

Ayon pa sa pari, ito ang ginagampanan ng Radio Veritas at iba pang social media platform ng simbahan para maihatid ang ebanghelyo sa bawat tahanan.

“To give hope sa ating mga kababayan lalo na iyong mga napa-praning nga at nawawalan ng pag-asa. Dahil nga nakakulong sa bahay, hindi alam kung ano ang gagawin: Nawalan ng trabaho, nalugi sa negosyo, at namamatay ang mga kamag-anak at mga kaibigan nila. Kaya it’s really depressing. Kaya we need to hold on to our faith, sabi nga ng Simbahan, to give us hope,” dagdag pa ng pari.

Simula noong Marso, tatlong misa kada araw ang maririnig sa himpilan at facebook page ng Radio Veritas tuwing alas-6 ng gabi, alas-12 ng tanghali at alas-6 ng gabi dulot na rin ng community quarantine kung saan kabilang sa mga hindi pinahihintulutang makalagas ang mga senior citizen at kabataang wala pa sa edad na 21-taong gulang.

Una na ring nanawagan si Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan na bigyan ng pagkakataon ang mas maraming bilang ng mga mananampalataya na dumalo sa misa sa kabila ng umiiral na General Community Quarantine sa Metro Manila at ilan pang lungsod na may mataas na kaso ng Covid-19.

Giit pa ng Obispo, dapat ituring ng gobyerno ang spiritual need ang publiko bilang pangunahing pangangailangan lalu’t dumarami ang bilang ng mga nagtataglay ng depresyon na nauuwi sa pagpapatiwakal.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,894 total reads

 14,894 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 73,344 total reads

 73,344 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,711 total reads

 158,711 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,447 total reads

 205,447 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 253,318 total reads

 253,318 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,701 total reads

 353,701 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top