Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Barya sa pandemya”

SHARE THE TRUTH

 524 total views

August 26, 2020

Taos-pusong nagpapasalamat ang Pondo ng Pinoy Foundation sa mga “Good Samaritan” o mga taong may busilak na pusong nag-aalay ng bente singko sentimos o “mumo” para sa pangangailangan ng kapwang naghihikahos.

Inihayag sa Radio Veritas ni Rev. Fr. Benjie Francisco, Committee chairman ng Pondo ng Pinoy Foundation na dahil sa “mumong” ipinagkaloob ng mga may dalisay na puso ay marami na ang nagkaroon ng kaayusan at kaganapan sa buhay.

Mula “mumo” na kaloob ng mga Good Samaritan ay nakapagbigay ang Pondo ng Pinoy ng 7-milyong pisong relief assistance sa mga lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic kabilang na ang mga mangingisda sa Rosario, Cavite na nabibiyaan ng bangkang pangisda.

Ikinagagalak ni Fr. Francisco ang lumalaganap na kultura o “way of life” ng mga Filipino na pag-alay ng bente-singko sentimos sa Pondo ng Pinoy na umabot na sa 23-milyong piso ngayong taong 2020.

Sinabi ng Pari na dahil sa maliit na binhi ng kabutihan ay naghari ang pagmamahal ni Hesus at simbahan sa mga higit na nangangailangan.

Ayon kay Fr. Francisco, ang kabutihan ng mga nag-aalay ng “momo” o barya ay sumasalamin sa pangarap ni Cardinal Emeritus Gaudencio Rosales na “anumang magaling, kahit maliit basta malimit ay patungong langit”.

Ibinahagi ng Pari na mula 2004 hanggang taong 2020 ay mahigit na sa 300,000 mga kapuspalad ang nabibiyaan sa programa ng Pondo ng Pinoy sa housing, edukasyon(mga scholar), nutrition(feeding program) at relief assistance sa mga naapektuhan ng pandemya.

Nanawagan din si Fr. Francisco sa mga nais magpayaman ng binhi ng kabutihan sa kapwa na ang sentro ng Pondo ng Pinoy ay sa lahat ng parokya, ilang mga paaralan at tanggapan sa buong bansa.

Tiwala si Fr. Francisco na lalo pang lumaganap at maging inspirasyon ang nais ni Hesus na ibigin ang kapwang nagdadarahop sa buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 13,562 total views

 13,562 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 29,651 total views

 29,651 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 67,391 total views

 67,391 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 78,342 total views

 78,342 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 22,534 total views

 22,534 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 10,195 total views

 10,195 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 83,481 total views

 83,481 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
Scroll to Top