Ika-28 petisyon laban sa Anti-Terrorism Act of 2020, inihain ng AMRSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 657 total views

August 26, 2020

Pinangunahan ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema ng mga relihiyoso at mga layko ng Simbahang Katolika laban sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Personal na nagtungo sa Korte Suprema si AMRSP Co-Executive Secretary Father Angelito Cortez, OFM kasama ang lead counsel ng organisasyon na si Atty. Rafael Calinisan ng Calinisan Domino and Beron Law offices na isa rin sa mga co-petitioner bilang miyembro ng Catholic Laity.

Ayon kay Fr. Cortez, ang paglabag ng Anti-Terrorism Act of 2020 sa Freedom of Religious Expression ng mga mananampalataya partikular na ng mga Katoliko ang pangunahing binibigyan diin sa petisyong inihain ng grupo.

Paliwanag ng Pari, dahil sa pangunahing tungkulin ng mga Pari, Madre at iba pang taong Simbahan na mangaral at magpahayag ng salita ng Diyos na nakabatay sa Ebanghelyo na makatotohanan, makatao at makatarungan ay kadalasang napagbibintangan at nababansangang makakaliwa o kabilang sa mga terorista ang mga lingkod ng Simbahan.

Dahil dito, iginiit ni Fr. Cortez na hindi dapat ipagsawalang bahala ang epekto o implikasyon ng naturang batas para sa mga mananampalataya.

“Sa batas na ito, apektado talaga tayong mga relihiyoso, mga Pari, mga taong Simbahan dahil ang major role natin ay magpahayag ng Salita ng Diyos, mangaral at sa ating pangangaral at pagpapahayag ng Salita ng Diyos ito ay nakabase sa Ebanghelyo kung saan tayo ay nagsasalita ng katotohanan na makahustisya, makatao at sa ating pagsasalita ay hindi maiwasan na lagi tayong napagbibintangan at narri-red tag na terorista, kaya dito sa petisyong ito nais naming ipanawagan na apektado talaga yung Freedom of Religious Expression…”pahayag ni Father Cortez sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Pari na hindi dapat ituring na terorista ang mga taong Simbahan at iba pang nagbabahagi ng Salita ng Diyos na ginagawa lamang ang kanilang tungkulin upang maibahagi ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Sinabi ni Fr. Cortez na ang mga batas na kinakailangan ng bansa ay mga batas na nakabatay sa Ebanghelyo na dapat ay nagsusulong ng katarungan, kapayapaan at pangangalaga sa kalikasan.

“Hindi porket Pari ka, Madre ka o nagbabahagi ka ng Salita ng Diyos ay terorista ka, ginagawa lang natin ang ating tungkulin at ang mga kailangan nating batas ay batas na nakakabit sa Ebanghelyo at sa hustisya, sa kapayapaan at pag-iingat sa kalikasan…” Dagdag ni Cortez
.
Ang petisyong inihain ng AMRSP laban sa Anti-Terrorism Act of 2020 ay ang ika-28 petisyong laban sa naturang kontrobersyal na batas na naipasa sa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19.

Ang AMRSP ay binubuo ng mga major superiors of religious institutes at societies of apostolic life sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 146,671 total views

 146,671 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 176,895 total views

 176,895 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 203,541 total views

 203,541 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 298,514 total views

 298,514 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 309,932 total views

 309,932 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top