Gen129 project, binuksan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 911 total reads

Bukas na sa publiko ang GEN 129 o Caritas Green Evolution Plant Project.

Pinangunahan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. at Bishop Broderick Pabillo,Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila ang pagbabasbas at pagbubukas ng proyekto ng Caritas Manila at Caritas Margins na Gen 129 o Caritas Green Evolution Plant Project noong ika-31 ng Agosto sa San Carlos Seminary sa Guadalupe, Makati.

Inihayag ni Caritas Manila executive director Fr.Anton CT Pascual na layunin ng Gen129 na bigyang kahalagahan ang pagtatanim at pagkain ng mga gulay upang tugunan ang kakulangan sa pagkain, kawalan ng trabaho at pagsusulong sa pangkalikasang adbokasiya ng simbahan ngayong COVID-19 pandemic.

Ayon kay Fr.Pascual, nais tugunan ng Gen129 ang problema ng bansa lalu ng Metro Manila sa food security.

“Ito ngang ating Gen129 Movement ng Caritas Manila, ito ay galing sa Genesis 1:29 na kung saan ang ibinigay sa ating pagkain ng Panginoon ay gulay. Kaya’t naglunsad ang Caritas Manila ng Gen129 Project upang itaas ang ating kamalayan sa kahalagahan ng gulay sa ating buhay; para ma-address natin yung food security, may problema tayo sa pagkain sa susunod na mga dekada, kaya kailangang magtanim na tayo ng gulay,”pahayag ni Fr. Pascual

Iginiit ng Pangulo ng Radio Veritas ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malakas na resistensya sa pagkain ng gulay ngayong panahon ng pandemya.

“Mahalaga ang pagkain ng gulay para tayo’y maging malusog at malakas. Ngayong panahon ng pandemya mahalaga ang strong immune system, kaya para lumakas ang ating katawan, kumain tayo ng mas maraming gulay at prutas.”, ayon sa pari.

Ang Gen129 Project ay pakikiisa rin sa pagdiriwang ng Season of Creation ngayong Setyembre upang itaas ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng kalikasan maging sa kalusugan at kaligtasan.

Layunin din na palaganapin ang proyektong ito hindi lamang sa Archdiocese of Manila, kundi maging sa iba pang karatig na Diocese, pamayanan at mga tahanan.

Ang Gen129 Project ay bahagi ng Kilusang Plant-Based diet na inisyatibo ni Fr. Pascual na nagsusulong ng kampanya para sa pagkaing walang mukha.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 25,983 total reads

 25,983 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 124,334 total reads

 124,334 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 209,704 total reads

 209,704 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 256,441 total reads

 256,441 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 304,311 total reads

 304,311 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 402,009 total reads

 402,009 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 172,412 total reads

 172,412 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top