Church to government, let faithful practice their faith

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 678 total reads

Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na tuluyan ng pahintulutan ng pamahalaan ang pagdalo ng mas maraming mananampalataya sa mga banal na liturhiya ng Simbahan.

Ayon sa Obispo, higit na kinakailangan ng mamamayan na makapagpahayag ng pananampalataya sa gitna ng halos 7-buwang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ipinaliwanag ni Bishop Bacani na ang taong may malalim na pananampalataya ay mayroong mas matatag na kalooban sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay at hindi magpatiwakal.

Inihayag ng Obispo na nagbibigay ng pag-asa sa mga mananampalataya ang pagdalo sa banal na liturhiya na harapin ang lahat ng hamon at pagsubok.

“Ang taong may pananampalataya is less likely to be depress and a person of faith will not find any real reason to commit suicide kaya napakahalaga at this time to let people to be able to practice their faith and to find hope from motives of faith.” pahayag ni Bacani sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Obispo na dapat pahintulutan na ng pamahalaan ang pagdalo ng 50-porsyento ng kapasidad ng mga Simbahan upang matugunan ang tumataas na bilang ng suicide sa bansa.

Tiniyak ni Bishop Bacani na masusunod ang mga safety health protocol lalu na ang social distancing dahil sa laki ng kapasidad ng mga simbahan.

“I myself would advocate let them keep a proper distancing but let them be able to participate in the mass, like a 50% attendance at mass should not be dangerous to people especially when the spaces are open spaces unlike in a completely air-conditioned room.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Batay sa pagsusuring isinagawa ng World Health Organization (WHO), malaki ang itinaas ng kaso ng mental health-related concerns and disorders sa Pilipinas mula ng magsimulang maramdaman ang epekto ng COVID-19 pandemic noong Marso.

Sa tala na nakalap ng W-H-O mula sa National Center for Mental Health (NCMH), tumaas sa 45-tawag kada araw ang natataganggap ng ahensya mula Marso ng kasalukuyang taon mula sa dating 13 hanggang 15 tawag kada araw na natanggap noong Mayo 2019 hanggang Pebrero ng 2020 na may kaugnayan sa depresyon at pagpapatiwakal.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 24,671 total reads

 24,671 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 121,763 total reads

 121,763 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 207,133 total reads

 207,133 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 253,869 total reads

 253,869 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 301,740 total reads

 301,740 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 399,562 total reads

 399,562 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top