Ipagpatuloy ang pagsisikap para sa Filipinong mag-aaral, mensahe ng obispo sa mga guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Hinangaan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na patuloy na nagsususmikap sa kabila ng krisis na dulot ng pandemic Novel Coronavirus Disease sa bansa.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na siya ring chairman ng CBCP- Episcopal Commission on the Laity, nakahahanga ang pagsisikap ng mga guro na maipagpatuloy ang kanilang tungkulin bilang tagapagturo sa kabataan sa kabila ng mahirap na sitwasyon na dulot ng pandemya.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa paggunita ng National Teachers’ Month mula ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre.

“Sana po hindi mawala itong ganun hangarin na mag-educate sa mga kabataan natin kahit na panahon ng pandemya,” ang bahagi ng pahayag ni Broderick Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Umaasa naman si Bishop Pabillo na patuloy na maging matatag at matiyaga ang mga guro sa pagbabagong hatid ng pandemya maging sa larangan ng edukasyon.

“Talagang yung mga guro sa ngayong panahon ay kailangan mag-adjust marami ay nawalan ng trabaho at marami po ay nahihirapan sa mga online na mga teaching na ito kaya ang aking pagbati sa mga guro, sana maging matyaga sila at maging handa sila sa mga pagbabago na tinatawag ng ating panahon ngayon,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Pagbabahagi ng Obispo, nawa ay hindi mawala ang pagsisikap ng mga guro na maibahagi ang kanilang kaalaman sa kabataan sa kabila ng mga pagbabagong ipinatutupad upang matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng lahat mula sa nakahahawang sakit.

Tema ng National Teachers’ Month ngayong taon ang “Gurong Filipino para sa Batang Filipino”.

Una ng ipinagpaliban ng Department of Education ang pagbubukas ng School Year 2020 – 2021 sa ika-5 ng Oktubre upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makapaghanda sa bagong paraan ng pagtuturo sa pamamagitan ng blended learning- ang online at modular scheme lalu’t hindi pa pinahihintulutan ang face-to-face classes.

Batay sa tala ng DepEd, may aabot sa 263,000 ang bilang ng mga private teachers sa elementarya at sekondarya habang may 771 guro naman sa private tertiary schools ang pinangangambahang maapektuhan ang kabuhayan.

Ito ay dahil na rin sa dami ng mga hindi nag-enroll sa pribadong paaralan at paglipat sa mga pampublikong institusyon ng may 2-milyong mag-aaral.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,017 total reads

 7,017 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 8,658 total reads

 8,658 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 19,275 total reads

 19,275 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 56,653 total reads

 56,653 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 87,923 total reads

 87,923 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,207 total reads

 164,207 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 257,477 total reads

 257,477 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,736 total reads

 24,736 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top