Storm heaven’s with prayers for Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 910 total reads

Umaapela ang Archdiocese of Manila na ipanalangin ang paggaling mula sa COVID-19 ng dating Arsobispo ng Maynila na si Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, bagamat asymptomatic ay mahalagang ipanalangin ng bawat isa ang mabilis at ganap na paggaling ni Cardinal Tagle mula sa sakit.

Pagbabahagi ng Obispo, wala pa ring sapat na impormasyon ang arkidiyosesis sa kasalukuyang kinaroroonan at dahilan ng pag-uwi ng Cardinal sa Pilipinas na nagpositibo sa COVID-19 pagdating ng bansa.

Iginiit ni Bishop Pabillo na mahalaga ang pananalangin upang maipadama sa Cardinal ang pagmamahal at pakikibahagi sa gitna ng kanyang pagsailalim sa quarantine dahil sa COVID-19.

“Nananawagan po tayo sa lahat na ipagdasal natin ang ating mahal na Cardinal Chito Tagle na dumating dito sa bansa. Samahan natin siya sa ating panalangin. Hindi po natin alam kung saan siya naka-quarantine pero alam naman natin na siya ay nasa mabubuting kamay. Mabuti naman po at siya ay asymptomatic ibig sabihin sana po ay mild lang ang kanyang pagkaka-COVID…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Bilang isa ring COVID-19 survivor, hinikayat ni Bishop Pabillo si Cardinal Tagle na gamitin ang panahon ng kanyang pagsailalim sa mandatory quarantine upang makapagpahinga mula sa mga kanyang mga tungkulin at gawain.

Paliwanag ng Obispo, maituturing din itong isang pagkakataon upang ganap na makapagnilay sa mga nagaganap sa daigdig ngayong panahon ng pandemya.

“Maipapayo natin na to take it easy hindi naman siguro malala kasi asymptomatic naman siya ibig sabihin malakas naman ang kanyang immune system, kaya he can take it and take this time as panahon ng pagpapahinga baka marami siyang trabaho ngayong quarantine mapipilitan siyang magpahinga kaya it also an opportunity to rest and to pray…” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Naunang nanawagan ang mga opisyal ng Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na ipagdasal ang mabilis na paggaling ni Cardinal Tagle sa sakit.

read: https://www.veritas846.ph/cardinal-tagle-positibo-sa-covid-19/
https://www.veritas846.ph/isama-sa-panalangin-at-mass-intentions-ang-paggaling-ni-cardinal-tagle-sa-covid-19/

Matatandaang Pebrero ng kasalukuyang taong 2020 ng umalis patungong Roma si Cardinal Tagle upang gampanan ang kanyang bagong tungkulin bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

Itinalaga naman ni Pope Francis si Bishop Pabillo na siya ring Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity bilang taga-pangasiwa ng Arkideyosesis ng Maynila.

Sa kasalukuyan si Cardinal Tagle na ang ika-apat na Obispo ng Simbahang Katolika na nagpositibo sa COVID-19 kasunod ni Bishop Pabillo, Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na yumao dahil sa kumpikasyon mula sa sakit noong ika-26 ng Agosto.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 803 total reads

 803 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 2,953 total reads

 2,953 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 10,474 total reads

 10,474 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 47,854 total reads

 47,854 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 79,125 total reads

 79,125 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 156,009 total reads

 156,009 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 249,740 total reads

 249,740 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 23,812 total reads

 23,812 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top