Caritas Manila, nagpaabot ng tulong sa Lebanon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 465 total views

September 17, 2020-10:58am

Nagpadala ang Caritas Manila ng $5,000 USD o mahigit sa P242,000 bilang tulong pinansyal para Lebanon matapos ang mapaminsalang pagsabog sa pantalan ng Beirut noong Agosto kung saan halos 200 katao ang nasawi at mahigit 6,000 sugatan.

Ito ay bilang tugon sa panawagan ng Caritas Internationalis sa iba’t-ibang Caritas Organizations sa buong mundo sa layuning makatulong sa pagbangon ng mamamayan ng Lebanon.

Sa sulat na ipinadala ng Caritas Manila sa Caritas Internationalis, inihayag nito ang pakikidalamhati at kagustuhan na makatulong sa mga naapektuhan ng pagsabog lalu’t naganap ang insidente kasabay ng kasalukuyang krisis ng buong mundo sa banta ng pandemya.

“We, at Caritas Manila, the social welfare arm of the Archdiocese of Manila, with its Manila Auxillary Bishop Broderick S. Pabillo as appointed chairman, following the reassignment of Cardinal Luis Antonio Tagle for Rome, and Rev. Fr. Anton C.T. Pascual as its Executive Director, heard the appeal of Caritas Lebanon for help due to the devastation of the recent port explosion that happened in Beirut last August 4, 2020. During this Covid-19 pandemic, this unfortunate disaster which caused a lot of lives, casualties, infrastructure damages and ill effects to our brothers and sisters in Lebanon, left a heavy struggle for everyone to survive. Thus, we wish to donate an amount of USD 5,000 to Caritas Lebanon to support the needs of the affected families and communities. We hope that this amount could contribute to the needs of the people,” bahagi ng liham ng Caritas Manila sa Caritas Internationalis.

Sa ulat, labis na napinsala pantalan sa Beirut matapos sumabog ang mga nakaimbak na Ammonium Nitrate kung saan tinatayang umabot sa 300,000 katao ang nawalan ng tahanan habang humigit kumulang 10 hanggang 15 bilyong piso ang halaga ng pinsala.

Sa kabila nito, patuloy naman ang Caritas Manila sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Filipinong patuloy na naapektuhan ng krisis dulot ng Covid19.

Sa pinaka-huling update ng social arm ng Archdiocese of Manila umabot na sa 9.4 milyong indibidwal o 1.8 milyong pamilya ang natulungan ng Caritas Manila magmula noong magpatupad ng mga community quarantine sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 85,075 total views

 85,075 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 209,486 total views

 209,486 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 250,807 total views

 250,807 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 326,176 total views

 326,176 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 79,663 total views

 79,663 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top