Covid-19 pandemic, hindi hadlang sa 2022 elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total reads

October 3, 20202-11:10am

Ito ang binigyang diin ni Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB –Convenor ng Movement Against Tyranny at election watch-dog na Kontra Daya sa mungkahing ipagpaliban ang 2022 National and Local elections.

Paliwanag ng Madre, maraming mga pamamaraan na maaring suriin at pag-aralan ang Commission on Elections upang magamit na sistema sa 2022 National and Local elections tulad na lamang ng pagsusuri sa posibleng paggamit ng digital technology.

“I don’t think they should use this pandemic to defer the election hindi naman nila alam kung anong mangyayari sa 2022 diba, bakit ngayon na sinasabi na nila at saka I’m sure if may magagawa sila ngayon na nasa digital na tayo I cannot imagine that we cannot do an election in the same way, they just have ano siguro put the correct technical way to do it. I totally disagree [on the recommendation of postponing the 2022 elections] pero I expected that already,” ang bahagi ng pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam ng Radio Veritas.

Una na ring nagpahayag ng pagtutol ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na hindi ituloy ang halalan na paglabag din sa sinasaad ng saligang batas.

Ayon naman sa Legal Network for Truthful Elections (LENTE) bagamat maaring ipagliban ang halalan kung sapat na dahilan at maari lamang ipagpaliban hanggang sa huling araw ng Mayo taong 2022 upangt maiwasan ang constitutional crisis lalu’t magtatapos ang termino nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Bise-Presidente Leni Robrero sa ika-30 ng Hunyo taong 2022.

Sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pondo ng Commission on Elections para sa susunod na taon ay inirekomenda ni Deputy Majority Leader at Pampanga Representative Juan Miguel Arroyo sa COMELEC na ikonsidera ang pagpapaliban ng 2022 National and Local Elections dahil sa banta ng COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 72,274 total reads

 72,274 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 167,544 total reads

 167,544 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 211,812 total reads

 211,812 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 234,921 total reads

 234,921 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 306,808 total reads

 306,808 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top