Mamamayan, hinimok ng Simbahan na mag-alay ng pamisa sa mga namayapa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 619 total views

Hinihikayat ng Diocese of Kidapawan ang mga mananampalataya na maagang bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bago ang Araw ng mga Patay.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines, alinsunod sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay naglabas siya ng isang circular na nag-aatas ng mga karagdagang misa para sa mga kaluluwa sa lahat ng Simbahan sa a-uno at a-dos ng Nobyembre.

Inihayag ng Obispo na maaari ring makibahagi ang mga mananamapalataya sa gagawing banal na liturhiya sa pamamagitan ng pagsubaybay sa live streaming ng iba’t-ibang Simbahan.

“The province of Cotabato where Kidapawan Diocese is located has issued No visits on November 1 & 2 in all cemeteries. Our local church has sent circular encouraging all faithful to make their visits to the cemeteries October 1 – 31 and additional masses for the departed souls are scheduled in all churches on November 1 & 2. Live stream masses are also scheduled on November 1 & 2.”pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Radio Veritas.

Umaasa at ipinagdarasal ni Bishop Bagaforo na maisasabuhay ng bawat isa ang pag-alay ng panalangin sa ikapayapa ng kaluluwa ng mga mahal sa buhay sa kabila ng ipinapatupad na mga limitasyon dahil sa pag-iingat sa COVID-19.

“Included in our circular is our panawagan na mag-alay ng pamisa para sa kanilang dear departed from October 1 – 31 in any of our masses in the parish churches.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Naunang hinimok ni Bishop Broderick Pabillo,Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila at Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang mananampalataya na pumunta sa mga simbahan at makiisa sa banal na misa sa November 1 at 2.

Read: https://www.veritas846.ph/mananampalataya-pinag-iingat-sa-nag-aalok-ng-fake-religious-services-at-rites/
https://www.veritas846.ph/cremated-remains-babasbasan-ng-archdiocese-of-manila/

Sa katuruan ng Simbahang Katolika iniaalay ang buong buwan ng Nobyembre upang ipanalangin ang kaluluwa sa purgatoryo bilang isang debosyon na nakapagbibigay indulhensya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 101,130 total views

 101,130 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 131,354 total views

 131,354 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 158,002 total views

 158,002 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 252,975 total views

 252,975 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 267,425 total views

 267,425 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top