Huwag ipagpalit ang “Indigenous culture” sa kita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 824 total reads

Hinimok ng isang Indigenous priest mula sa tribung Tingguian sa Abra, ang pamahalaan at sambayanang Filipino na muling tuklasin at kilalanin ang kahalagahan ng mga katutubo na tunay na nangangalaga ng kalikasan.

Ito ang apela ni Father Oscar Alunday, SVD sa paggunita ng Indigenous Peoples’ (IP) Week ngayong Season of Creation, na isinasagawa na ng simbahan bilang pagkilala sa ambag ng mga katutubong Filipino.

Ayon kay Fr. Alunday, nakatutulong na gunitain ang Indigenous Peoples’ Week sa pamamagitan ng adbokasiya ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous People, upang mapanumbalik at alalahanin ang mga turo ng simbahan sa pagkilala at pagpapahalaga sa mga katutubo.

Ikinalulungkot ng Pari na nakalimutan na sa kasalukuyan ang halaga ng mga Filipinong katutubo na naaalala lamang dahil sa turismo at hindi kinikilala ang napakahalagang ambag sa pangangalaga sa kalikasan.

Hinikayat ni Fr. Alunday ang mamamayan na mas kilalanin pa ang ating sariling kultura at wika lalo na ang kultura ng mga katutubong Filipino.

“It’s good to be home; to know our languages; to know our indigenous culture. We need one another,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Alunday sa panayam sa programang Barangay Simbayanan.

Binigyang diin naman ni Tony Abuso ng CBCP-ECIP at Diocese ng Marbel Social Action Director Fr. Jerome Millan na maraming matututunan sa mga katutubong Filipino.

Ibinahagi naman ni Lubos Alyansa ng Katutubong Ayta ng Sambales (LAKAS) chairperson Lito “Tubag” Jugatan ang mga pamamaraan na kanilang ginawa ngayong panahon ng pandemya tulad ng pagtatanim at pagbebenta ng mga gulay.

Sa Laudato Si, ikinalulungkot ng Santo Papa ang sapilitang pagpapaalis sa mga katutubo sa kanilang mga ancestral land upang bigyang daan ang mining operations.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 51,772 total reads

 51,772 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 101,271 total reads

 101,271 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 221,850 total reads

 221,850 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 272,208 total reads

 272,208 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 397,343 total reads

 397,343 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 233,983 total reads

 233,983 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top