Mamamayan, hinimok ng Simbahan na mag-alay ng pamisa sa mga namayapa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 788 total reads

Hinihikayat ng Diocese of Kidapawan ang mga mananampalataya na maagang bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bago ang Araw ng mga Patay.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines, alinsunod sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay naglabas siya ng isang circular na nag-aatas ng mga karagdagang misa para sa mga kaluluwa sa lahat ng Simbahan sa a-uno at a-dos ng Nobyembre.

Inihayag ng Obispo na maaari ring makibahagi ang mga mananamapalataya sa gagawing banal na liturhiya sa pamamagitan ng pagsubaybay sa live streaming ng iba’t-ibang Simbahan.

“The province of Cotabato where Kidapawan Diocese is located has issued No visits on November 1 & 2 in all cemeteries. Our local church has sent circular encouraging all faithful to make their visits to the cemeteries October 1 – 31 and additional masses for the departed souls are scheduled in all churches on November 1 & 2. Live stream masses are also scheduled on November 1 & 2.”pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Radio Veritas.

Umaasa at ipinagdarasal ni Bishop Bagaforo na maisasabuhay ng bawat isa ang pag-alay ng panalangin sa ikapayapa ng kaluluwa ng mga mahal sa buhay sa kabila ng ipinapatupad na mga limitasyon dahil sa pag-iingat sa COVID-19.

“Included in our circular is our panawagan na mag-alay ng pamisa para sa kanilang dear departed from October 1 – 31 in any of our masses in the parish churches.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Naunang hinimok ni Bishop Broderick Pabillo,Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila at Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang mananampalataya na pumunta sa mga simbahan at makiisa sa banal na misa sa November 1 at 2.

Read: https://www.veritas846.ph/mananampalataya-pinag-iingat-sa-nag-aalok-ng-fake-religious-services-at-rites/
https://www.veritas846.ph/cremated-remains-babasbasan-ng-archdiocese-of-manila/

Sa katuruan ng Simbahang Katolika iniaalay ang buong buwan ng Nobyembre upang ipanalangin ang kaluluwa sa purgatoryo bilang isang debosyon na nakapagbibigay indulhensya.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 51,775 total reads

 51,775 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 101,276 total reads

 101,276 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 221,855 total reads

 221,855 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 272,213 total reads

 272,213 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 397,348 total reads

 397,348 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top