Give witness to our Catholic faith, hamon ng Simbahan sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 775 total reads

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mission ang mananampalataya na paigtingin ang pagsasabuhay ng pananampalataya sa Panginoon.

Ayon kay Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona, MSP, mahalagang ipagpatuloy ng mamamayan ang pagiging saksi ng pananampalataya at pagbahagi nito sa kapwa bilang pakikiisa sa misyon ni Hesus sa sanlibutan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng buwan ng misyon na unang itinalaga ng simbahang katolika tuwing buwan ng Oktubre.

“Be a good Christian because by becoming good, we give witness to our catholic faith; when we give witness we are already spreading God’s love and message of salvation,” pahayag ni Bishop Mesiona sa Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na ang paggunita sa buwan ng misyon ay paalala na tungkulin ng bawat isa na maging kaisa at kabahagi ng misyon ni Hesus bilang mga binyagang Kristiyano.

Hiling ni Bishop Mesiona na sa pagganap sa misyon ay ipanalangin ang mga biktima ng COVID-19 na sa pandaigdigang tala ay mahigit 30-milyong katao.

Sa taya, libu-libong Filipino missionaries ang nasa iba’t-ibang bahagi ng daigdig na naglilingkod at nagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon kabilang na ang mga lay missionaries.

Dalangin ni Bishop Mesiona na sa paglago ng Kristiyanismo sa bansa ay mas mag-alab pa ang pananamapalataya ng mamamayan tungo sa pagkakabuklod-buklod.

“As we celebrate the 500 years of Christianity, sana patuloy tayong magiging isang simbahang may misyon; a missionary church,” dagdag ni Bishop Mesiona.

Sa ika – 18 ng Oktubre ay ipagdiriwang ng simbahan ang World Mission Sunday kung saan sa Pilipinas magkakaroon ng online catechesis sa pangunguna ng Commission on Mission ng CBCP.

Magsisimula ang online catechesis sa ika-10 ng Oktubre at magtatagal hanggang sa susunod na taon sa pagdiriwang ng ika – 500 taon ng Kristiyanismo at matutunghayan sa Facebook page ng CBCP Episcopal Commission on Mission at iba pang social media pages ng simbahan.

Patuloy namang hinimok ni Bishop Mesiona ang bawat isa na gamitin ang bawat pagkakataon na ibahagi ang misyong paglingap sa kapwa at ipadama ang pag-ibig ng Diyos at patuloy na suportahan ang misyon ng simbahan.

“If we have opportunities sana we can reach out sa ating mga kapatid at ipadama natin ang pagmamahal ng Dios, ipadama natin ang Kanyang concern sa bawat isa,” ani ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 27,473 total reads

 27,473 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 107,616 total reads

 107,616 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 201,842 total reads

 201,842 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 262,331 total reads

 262,331 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 274,822 total reads

 274,822 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 37,127 total reads

 37,127 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top